Tag Archives: San Juan batangas

Ang pakikibaka ng mga magsasaka at mangingisda sa Laiya Aplaya

Pangunahing Lathalain
Kalatas | Setyembre 2018

[I-download ang kopya ng Kalatas nitong Setyembre 2018 mula rito: K1809_colored ]

Nagkukumahog si Federico Campos, III, mga kasapakat nyang debeloper at lokal na opisyal ng reaksyunaryong gubyerno sa sapilitang pagpapalayas sa mga nakatira sa lupang Laiya—isang
desperadong hakbangin upang bigyang-daan ang pagtatayo ng anti-mamamayang proyektong Laiya Tourism Development Plan. Layunin nitong ibukas ang lalawigan ng Batangas sa ekoturismo at makaakit ng dayuhang mamumuhunan dito. Kabilang dito ang pagtatayo ng resort at iba pang proyektong pang ekoturismo ng Laiya Development Corporation, Aplaya Laiya Corporation at Macaria Development Corporation.

Apat na taon na ang nakalipas mula nang idemolis ang mga bahay ng mga residente sa Sitio Balacbacan, Brgy. Laiya Aplaya, San Juan, Batangas noong Hulyo 3, 2014. Umabot sa 600 pamilyang magsasaka at mangingisda ang naapektuhan nito laluna ang kanilang kabuhayan sa pangingisda. Kalakhan sa kanila na napilitang lumikas sa itinakdang relocation site sa Sitio
Hulo ay dumanas ng labis na kahirapan dahil sa kawalan ng oportunidad sa kabuhayan. Samantala, nanindigan pa rin ang ilan sa mga residente kayat nagtayo sila ng kanilang bahay sa kalsada at kampuhan sa munisipyo hanggang sa kasalukuyan.

Nito lamang Hulyo 23, kasabay ng SONA ni Duterte, ipinademolis muli ni Campos III ang mga bahay ng mga residente gamit ang aabot sa 450 demolition crew kabilang ang mga inupahan nyang mga gwardya ng JPS agency. Pinakamasahol pa, sinangkot nya rin sa nasabing demolisyon ang mga mag-aaral ng senior high school sa pamamagitan ng kanyang kasapakat na mga lokal na opisyal ng lalawigan. Nilinlang ang mga mag-aaral na diumano’y inupahan sila para sa clean-up drive para linisan ang tabing-dagat sa bahaging Lian Nasugbu-Tuy. Naglulunsad ng serye ng demolisyon ang kampo ni Campos III upang lubusang palayasin ang
mga magsasaka.

Sa kabuuan, aabot sa 100 ektarya ang kalupaang sinasaklaw ni Campos III sa Laiya Aplaya. Kabilang sa kanyang inaangking lupa ang Lot 62B kung saan ilang ulit na nyang pinadalhan ng notice to vacate sa pangunguna ni Victorino delos Angeles ng Laiya Development Corporation, maging ang Lot 62A na may mga lehitimong tenanteng nakatira. Sinasaklaw na rin
ng bantang pagpapalayas ang Lot 66B na inaangkin naman ni Sharon Castillo, kamag-anak ng pamilyang Llana na nangangamkam at nagmomonopolyo ng malaking bahagi ng lupa sa San Juan. Hindi pa nasapatan, tinatangka pa nilang bakuran ang lupang ito na sumasaklaw sa mga pananim ng mga magsasaka at ipinapa-aryendo para sa pribadong pagdebelop habang nililinlang ang mga magsasaka sa na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Kahit noong taong 2012 pa nawalan ng bisa ang conversion order at development permit sa lupang kinamkam ni Campos III, makailang ulit na nagtangka pa ring magdebelop sina Victorino delos Angeles at Felix Panganiban, mga kasapakat na debeloper ni Campos III, sa pamamagitan ng palihim na pagpapapasok ng materyales at konstruksyon ng kubo tuwing gabi.

Paulit-ulit na nakararanas ng pananakot at pandarahas ang mga residente sa pamamagitan
ng pasistang AFP-PNP at bayarang goons ng mga panginoong mangangamkam ng lupa upang supilin ang nakikibakang mamamayan. Noong Mayo 2015, idineploy sa komunidad ang 730th Combat Group Philippine Airforce na pangunahing lumalabag sa kanilang karapatang-tao sa kumpas ni Campos III bukod pa sa yunit ng CAFGU ng 59th IBPA. Nito lamang Hunyo 3, dinala ang 1st IBPA sa lugar. Nagtayo sila ng kampo militar sa mismong lupang sakahan ng mga magsasaka sa kabila ng pagtutol ng mga residente. Dagdag pa rito, ang Macaria Development Corporation at Laiya Development Corporation na pagmamay-ari ni Campos III at delos Angeles ay may bayarang armadong pwersa at goons upang wasakin ang barikada ng mamamayang lumalaban sa kanilang pakanang iligal na pagpapaunlad sa lugar.

Gamit ang mga armadong pwersang ito, kinontrol nila ang galaw ng mga residente tulad ng pagbabawal sa pagmo-motor, pagsita sa mga dumadaan malapit sa kanilang kampo at pagpigil sa pagbabakod sa pananim ng mga magsasaka. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nakararanas ang mga residente ng pagbabanta, panghaharas, intimidasyon, militarisasyon sa kanilang lugar at pagsasampa ng gawa-gawang kaso laluna sa mga lider masa at aktibistang myembro ng Haligi ng Batangueñong Anakdagat (HABAGAT). Matatag itong hinarap ng mamamayan ng Laiya Aplaya sa suporta ng malawak na mamamayan mula sa iba’t ibang uri at sektor hindi lamang sa Batangas kundi sa buong rehiyon.

Pinagpupugayan ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan ng Timog Katagalugan ang magiting at matapang na pagharap ng masang magsasaka at mangingisda ng Laiya Aplaya sa kaliwa’t kanang pag-atake ng kampo ni Campos III. Sa loob ng apat na taon, nanindigan sila para sa kanilang lupang sakahan at panirikan, at hanggang ngayon, hindi pa rin sila napalalayas sa lugar. Patunay itong hindi kayang buwagin ang mahigpit na pagkakaisa ng mamamayang Batangueño at kailanman, hindi matutumbasan ni Campos III ng anumang halaga ng pera ang kanilang pakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa. Ang pakikibaka ng masang magsasaka at mangingisda ng Laiya Aplaya ay hindi hiwalay sa pakikibaka ng kilusang magsasaka at mangingisda sa buong rehiyon at bansa. Hanggat hindi pa nakukuha ng mga naghaharing-uri ang kanilang kagustuhan, magpapatuloy ang kanilang pandarahas sa residente ng Laiya Aplaya. Kung kaya, kailangang patuloy na padagundungin ang laksalaksang bilang ng mamamayan sa lansangan upang ipanawagan ang kanilang karapatan sa lupa, panirikan, kabuhayan at hustisya. Dapat na ilantad ang mga pandarahas na ginagawa ng mga armadong pwersa ni Campos III at pagbayarin sa lahat ng kanilang krimen sa
mamamayan. Higit sa lahat, kailangang pahigpitin ng mamamayan ng Laiya Aplaya ang kanilang pagkakaisa laban sa lahat ng pakana ni Campos III upang mapalaya ang kanilang sarili mula sa tiranyang inihahasik ng mga panginoong maylupa at mangangamkam ng lupa.

Batid ng mamamayan ng Laiya Aplaya na wala itong ibang masusulingan kundi ang kanyang sariling lakas kasama ang iba pang mamamayang inaapi’t pinagsasamantalahan sa buong rehiyon at sa bansa. Patuloy nilang patatagin ang kanilang hanay upang salagin at labanan ang anumang pag-atake ng mga armadong pwersa ni Campos III at iba pang lokal na
naghaharing uri hanggang sa ganap na mabigo ang lahat ng kanilang anti-mamamayang pakana.

=======

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng MarxismoLeninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong
karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Matagumpay na Operasyong Bomba-Haras sa Kampo Militar sa San Juan, Inilunsad ng BHB sa Batangas!

Marso 15, 2018

Apolinario Matienza
Spokesperson
Eduardo Dagli Command
NPA – Batangas

Matagumpay na nailunsad ng Eduardo Dagli Command – BHB Batangas ang isang operasyong bomba-haras sa kampo militar ng 59th Infantry Batallion Philippine Army (IB PA) sa Brgy. Bulsa sa bayan ng San Juan kahapon, ika-14 ng Marso taong 2018 humigit kumulang ika-3:00 ng madaling araw. Isinagawa ito ng yunit ng BHB sa gitna ng maigting na operasyong militar na inilulunsad ng AFP sa direktang pangangasiwa ng Southern Luzon Command (SOLCOM) sa lalawigan.

Humigit kumulang isang kumpanya ng kaaway ang kasalukuyang naglulunsad ng operasyon sa Brgy. Bulsa at mga karatig nito nang isagawa ng BHB ang nasabing aksyong militar.

Matinding pinsala ang tinamo ng mga CAFGU at kasundaluhan. Halos mawasak ang istruktura ng kanilang kampo. Napabalitang 8 ang napatay at di pa mabilang ang sugatan na diumano’y madaling araw pa lamang ay inilabas na sa baryo gamit ang mga pribadong sasakyan.

Hindi na halos nakaganti ng putok at hanggang umagang wala ni anumang reaksyon ang mga sundalo. Inabot naman ng hapon bago nangahas pumasok ang puwersang reimpors ng kaaway.

Ang aksyong militar na ito ay isinagawa ng Bagong Hukbong Bayan – Eduardo Dagli Command bilang pamamarusa sa pasistang militar na siyang pangunahing protektor ng mga pribadong debeloper at panginoong maylupa na namamayagpag sa bayan ng San Juan at malawakang nagpapalayas sa karaniwang mamamayan.

Agosto 2017 nang itayo ang kampo militar sa Brgy. Bulsa bilang bahagi ng panunupil ng estado sa pakikibaka ng mga mamamayan ng San Juan laban sa napipintong proyektong geothermal na sasaklaw sa 12 barangay ng San Juan, kabilang ang Bulsa, Pulang Bato at Quipot at sa malawakang coastal conversion o pagsasapribado ng mga baybaying dagat sa balangkas ng programang eko-turismo sa bayan ng San Juan, na tanging mayayamang negosyante at debeloper ang mayor na makikinabang. Nakaamba rin sa Brgy. Bulsa at mga karatig na baryo nito ang pagpapalayas ng mga panginoong maylupa sa mga magsasaka gamit ang mga iskema ng pagbebenta ng lupa sa mga debeloper na tulad ng Aboitiz at mapanlinlang na programang reforestration ng DENR na tahasang inaagaw ang lupa mula sa mga magsasaka, at pinagkakaitan ng karapatan sa kanilang sariling tanim.

Bago pa ito, sangkot na rin ang mga CAFGU at opisyal ng 730th Combat Group Philippine Air Force sa lugar sa mga kaso ng pagnanakaw sa baryo at tangkang panggagahasa.

Ang mga CAFGU na nakadestino rito ay nagmula sa kampo ng 59th IB PA sa Sitio Agas, Brgy. Biga ng Lobo na malaon na ring inirereklamo ng mamamayan at tumatayong protektor ng mga dayuhang kumpanya ng pagmimina na nagtatangkang wasakin ang kabundukan ng Lobo at Batangas City.

Magsilbing babala ito sa mga yunit ng CAFGU na sagadsagaring nagpapa-kasangkapan sa pasistang panunupil ng reaksyunaryong estado at sa mga kasundaluhang walang habas na nanghahalihaw sa demokratikong karapatan ng sambayanan upang pagsilbihan ang interes ng mga naghaharing uri.

Ipinagbunyi ng mamamayan ng Batangas ang matagumpay na aksyong militar na ito ng BHB. Hinihikayat naman ng BHB ang masang sambayanan na maigting na labanan ang pagtatayo ng mga kampo militar sa kanilang mga lugar at tuloy-tuloy na ilantad ang mga paglabag sa karapatang pantao na isinasagawa ng mga kasundaluhan at CAFGU sa kanilang mga komunidad.

Nailunsad ang aksyong militar na ito ng BHB laban sa kampo ng 59th IB PA sa Brgy. Bulsa, mahigit isang linggo lamang ang nakalipas mula nang matagumpay na maisagawa ang hakbang pamamarusa laban sa sagadsaring kaaway ng mamamayan sa Brgy. Laiya Aplaya. Sa Kanlurang Batangas, matagumpay ring nailusad ang magkasunod na operasyong haras sa kampo ng CAFGU ng 59th IB PA sa Brgy. Aga, Nasugbu noong Marso 3 at operasyong isynap sa nag-ooperasyong tropa ng Philippine Air Army sa Brgy. Patugo ng Balayan noong Marso 10. Dalawang kaaway ang napatay at ilan ang nasugatan mula sa magkasunod na aksyong militar na ito.

Ipinakitang muli ang giting ng hukbong bayan na hindi kailanman yuyukod sa gitna ng anumang pasistang hagupit ng kaaway sa rebolusyonaryong kilusan at sa karapatan ng malawak na sambayanang inaapi at pinagsasamantalahan.#