Category Archives: Kalatas

Bantay Karapatan


Kalatas | Tomo 38 Bilang 5 | Mayo 2018

Pagpapalaya sa makabayang siyentista, iginiit

Inilunsad nitong nakalipas na Mayo 3 ang paggigiit ng pagpapalaya kay Benito Quilloy at Rita Espinoza sa Balay Kalinaw sa UP Diliman, Quezon City. Si Quilloy ay senior consultant ng Assert Economic Initiatives Network (ASCENT) at si Espinoza naman ang project staff nito. Iligal silang inaresto noong Oktubre 19 ng nakalipas na taon sa Kabankalan, Negros City ng mga elemento ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) at ng Intelligence Service of the AFP (ISAFP) at sinampahan ng gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms and explosives. Sina Quilloy at Espinosa ay dumalo sa mga pulong-konsultasyon ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).

Dalawang katutubong Dumagat, iligal na inaresto, tinortyur at ikinulong

Iligal na inaresto ng mga elemento ng 80th IBPA ang dalawang katutubong Dumagat sa Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon noong Mayo 14 matapos ang isang engkwentro sa pagitan ng mga pwersa ng militar at BHB Quezon. Sina Rockey Torres at Dandoy Avillaneda ay kapwa mga residente ng Sityo Dadiangao na nagkataong bibili lamang ng alak sa kasunod na sityo ng Libutan nang paputukan sila ng mga sundalo ng ilang warning shots at inakusahang mga mandirigma ng BHB. Kinabukasan na ng Mayo 15 sila muling nakita na puro pasa ang mukha at braso at may bakas ng combat boots ang t-shirt ni Torres, salaminan ng matinding tortyur ng mga militar. Ayon sa kwento nila sa isang residenteng inutusan ng militar na makalapit sa dalawa, pinagbuhat pa sila ng bangkay ng mga militar na napaslang sa nasabing labanan. Hanggang sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa ng CIDG ang dalawa sa Camp General Nakar sa
Lucena City.

Samantala, aabot naman sa 160 mga Dumagat ng Sityo Dadiangao ang sapilitang lumikas patungong Sityo Campo ng Brgy. Umiray. Ayon kay Kapitan Aquilino Junio at Chieftain Juanita Pradellada, dumami ang presensya ng mga pwersa
ng 80th IBPA na naglulunsad ng operasyon sa nasabing barangay
at ginagamit pa nga ang bahay nayon nila bilang himpilan.

——-

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Advertisements

Kilos Protesta


Kalatas | Tomo 38 Bilang 5 | Mayo 2018

Forum hinggil sa coal energy, inilunsad

Naglunsad ng forum hinggil sa coal energy at pinsala nito sa mamamayan
noong Mayo 8 sa Sacred Heart College sa Lucena City. Dinaluhan ito ng 104 na pawang mga lider at kinatawan ng mga organisasyon ng kabataan, taong simbahan at mga organisasyong pangkalikasan. Tinalakay sa forum ang resulta ng inilunsad na mga Environment Investigation Mission (EIM) ng Center for Environmental Concerns-Philippines sa Calaca at Pagbilao Coal Powerplant. Napatunayan ng inilunsad na pananaliksik ang kemikal na kontaminasyon sa tubig-dagat, mga isda at iba pang yamang dagat; pagliit ng bilang ng nahuhuling isda bunga ng pagkawasak ng kanilang ecosystem tulad ng bakawan at koral; kemikal na kontaminasyon sa mga pananim sa paligid ng planta. Lumundo ang nasabing aktibidad sa pagbubuo ng Network Opposed to Coal powerplants in ST (NO to Coal power in ST), isang samahang tumututol sa paggamit ng coal bilang panggatong ng mga planta ng kuryente.

Ika-200 kaarawan ni Karl Marx, ipinagdiwang

Ipinagdiwang ng buong rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan ang kaarawan ni Karl Marx, ang dakilang Komunistang paham noong Mayo 5. Sa kalunsuran, pinangunahan ng PAMANTIK KMU ang inilunsad na forum na pinamagatang 揝i Karl Marx at ang Usapang Pangkapayapaan� sa Sta. Rosa Auditorium sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon sa pananalita ni Mickey Nieto ng ST Agenda, 揳ng mga aral ni Karl Marx ay walang iba kundi tapat at makatotohanang pagsasalarawan ng tunay na buhay na hindi natin maiiwasan kundi harapin. Ang pagharap sa buhay na ito lamang ang magbibigay sa atin ng pagkakataon na mapawi ang malamig at malagim na katotohanang ito.� Sa kanayunan, naglunsad ang mga yunit ng BHB ng pulong pagpupugay kay Karl Marx at sa Marxismo bilang gabay ng rebolusyong Pilipino. Sa mga pagtitipong ito tinalakay ang buhay at pakikibaka ni Karl Marx kasama ang kaibigan at kasama nyang si Friedrich Engels. Bago ito, naglunsad ang ilang mga yunit ng Pulang hukbo ng serye ng mga lektura at panonood ng mga pelikula hinggil sa buhay ni Karl Marx at ang kanyang nagpapatuloy na ambag sa rebolusyong Pilipino.

Ani Patnubay de Guia, tagapagsalita ng NDF-ST, 搉ananatiling buhay at inspirasyon hanggang sa kasalukuyan ang mga dakilang ambag ni Marx sa lumalakas na paglaban ng mga rebolusyonaryo at Komunistang Pilipino sa gitna ng tumitinding panunupil ng rehimeng US-Duterte. Ipinanawagan nito ang pagpapalakas ng pambansang alyansa laban sa pang-aapi ng imperyalismo sa mamamayan dahil ito ang maghahawan ng landas sa pagkakamit ng tagumpay ng demokratikong rebolusyong bayan at magtatatag ng sosyalistang lipunan.

Serye ng mga pagkilos bilang suporta kay Sereno, inilunsad sa UPLB

Inilunsad ngayong buwan sa University of the Philippines-Los Ba駉s ang serye ng mga aktibidad bilang pagsuporta sa laban ng pinatalsik na Punong Hukom ng Korte Suprema na si Ma. Lourdes Sereno. Mayo 11, inorganisa ng UPLB Unite in the Battle to Oust the Neoliberal Dictator (UPLB UNBOUND) ang isang kilos protestang may panawagang 揝tand with CJ Sereno� at kumukundena sa pagpapatalsik sa kanya. Mayo 15, inilunsad naman ang isang forum na dinaluhan ng mga estudyante at kaguruan ng unibersidad. Ani Atty. Filemon Nolasco ng Southern Tagalog Movement Against Tyranny (ST MAT), 揳ng pagpapatalsik kay Sereno ay magbubukas sa isang diktadura sa bansa.

Peace and Solidarity Mission, inilunsad sa General Nakar, Quezon

Inilunsad nitong Mayo 24-25 ang isang dahil sa tumitinding panggigipit at patuloy na militarisasyon sa lugar. Tinungo ng 95 delegado ng 18 peace and solidarity mission sa Brgy. Umiray, General Nakar, Quezon organisasyon kabilang ang Dumagat Sierra Madre, Karapatan, Kalipunan ng Katutubong Mamamayang Pilipino (KAMP) at BAYAN ang komunidad ng mga Dumagat.

Binisita ng mga ito ang evacuation sites ng mga Dumagat sa Sityo Campo at Pinamaypayan ng nasabing barangay at nakita ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga bakwit kung saan bulnerable sila sa iba抰 ibang aksidente at karahasan dahil sa presensya ng mga militar. Bukod pa, bulnerable rin sa sakit ang mga minorya laluna ang mga bata dahil walang istableng istrukturang nakatayo para bigyan sila ng sapat na pandepensa sa lamig sa tabing ilog.

Bukod sa pag-alam sa kalagayan ng mga Dumagat, naglunsad din ng relief operations ang grupo kung saan namahagi sila ng pagkain, damit, banig, kulambo, kumot at laruan para sa mga bata. Pagkatapos nito ay naglunsad sila ng psycho-social briefing sa mga residente laluna sa hanay ng mga kababaihan at kabataan. Tinalakay rin sa mga bakwit ang mga batayang karapatan ng minoryang mamamayan.

——-

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Mga Balita


Kalatas |Tomo 38 Bilang 5|Mayo 2018

Pinabulaanan ni Magdalena Kalayaan, tagapagsalita ng Cesar Batralo Command-BHB Laguna ang ikinalat na balita ng Southern Luzon Command (SOLCOM) kaugnay sa isang ambus na naganap sa pagitan ng mga pwersa ng BHB at pinagsanib na PNP at AFP noong Mayo 2 sa Pakil, Laguna. Inilantad nyang isang rubout sa pagitan ng mga sindikato ang naganap na ambus.

Ipinagmalaki ng SOLCOM na napatay sa inilunsad nilang operasyon si Ismael Salazar Criste na binigyan ng alyas na 揔a Maeng� at nahuli ang mga kasamahan nitong sina Luis Lano, Shirley De Guzman-Martinez, Felicidad Villegas at Cristy Ramos Lacuarta na inaakusahang mga miyembro ng grupo sa pagbubuwis ng CBC. Ani Magdalena Kalayaan, walang kasapi ng BHB Laguna ang kabilang sa mga ito, sa halip, ang ilan sa kanila抷 kabilang sa isang sindikatong kriminal sa ilalim ng kontrol at proteksyon ng mga pulis at militar. 揋inagamit nila ang pangalan ng BHB para kumita at madungisan ang magandang pangalan ng BHB Laguna�, dagdag pa ni Kalayaan. 

Bihasa na umano sina Chief Supt. Eleazar ng CALABARZON-PNP at Gen. Danilo Pamonag ng SOLCOM na lumikha ng mga pekeng balita bago pa sila maitalaga sa Timog Katagalugan. Matatandaang si Eleazar ay galing sa Quezon Provincial Police Office at si Pamonag naman ay galing sa Task Force Marawi. Hinamon ni Kalayaan si Pamonag na isiwalat sa publiko kung sino ang handler ni Criste at kung kanino nito ibinibigay ang perang nakukulimbat sa mga anti-sosyal na aktibidad.

Iginiit ni Kalayaan na batid ng mga mamamayan ng probinsya na matatag na tumatalima ang BHB sa rebolusyonaryong disiplina at nagsisilbi sa interes ng mamamayan.

Sa huli, nanawagan si Kalayaan sa mga mamamahayag na patuloy na hanapin ang
katotohanan sa likod ng mga balitang inilalabas ng AFP at PNP upang tiyaking hindi mga panlilinlang ang mga balitang makararating sa taumbayan.

---

Mindoro: Minahan ng mga mandarambong na amo ng rehimeng US-Duterte

Nitong nakaraang Marso, personal na binisita ni Duterte ang tulay ng Lisap sa Bongabong, Oriental Mindoro upang pasinayaan ang nasabing proyekto at siraan ang rebolusyonaryong kilusan sa isla. Bukod dito, ipinagyabang din nito ang malalaking proyektong kalsada at pang-enerhiya sa isla na tiyak na
pakikinabangan ng kanyang mga among dayuhang korporasyon sa pagmimina. Kabilang sa mga proyektong ito ang kalsadang magkokonekta sa Sablayan at Victoria na siyang magiging mayor na ruta ng mga trak na magbababa ng mga miminahin sa mga kabundukan ng isla.

Nakahanay din sa mga ipinagyayabang na proyekto ng kanyang rehimen ang proyektong wind power sa Puerto Galera at Bulalacao, mga proyektong dam sa ilog ng Bongabong at ang Montelago Geothermal Power Plant hindi para sa mamamayan kundi para sa mga kumpanya sa pagmimina na nangangailangan ng
pagkukunan ng malakas na suplay ng kuryente para sa kanilang operasyon. Tiyak na sasapitin ng mamamayan sa palibot ng ilog ng Bongabong ang nararanasan ng mga nasa tabi ng natapos na hydroelectric project sa Baco
at San Teodoro na ngayo抷 matinding binabaha dahil sa mga proyektong ito.

Ayon kay Madaay Gasic, tagapagsalita ng Lucio de Guzman Command-BHB Mindoro, 揼inagawang kaakitakit ng rehimeng US-Duterte ang Mindoro para sa malalaking mamumuhunan sa pagmimina. Samantala, wala itong pakialam man lamang sa kapakanan ng mamamayan at hindi nito tinutugunan ang kanilang mga
karaingan tulad ng pagsasaayos ng Patrick Bridge sa Sablayan na siyang nagiging dahilan ng malimit na aksidente ng mga sasakyan at naglalagay sa panganib sa mga Mindore駉.�

---

Tugon ng BHB Quezon sa mga pahayag ni Duterte sa pagbisita niya sa Bondoc Peninsula

Itinuring ni Cleo del Mundo, tagapagsalita ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon na 搘alang kakwentakwenta� ang talumpati ni Duterte sa pagbisita niya sa Bondoc Peninsula noong Mayo 2 para diumano抷 mamahagi ng CLOA sa ilalim ng pekeng reporma sa lupa ng reaksyunaryong gubyerno.

Nagmistulang maagang pangangampanya ang naging pagbisita ni Duterte na pinalamutian lamang ng pamamahagi ng pekeng reporma sa lupa. Ani del Mundo, namumutiktik sa pagmumura at kabastusan sa mamamayan, laluna sa kababaihan at pag-aalimura sa kanyang mga kalaban at grupong tumutuligsa sa kanyang pasistang pamamahala ang umabot sa 13-pahinang talumpati ni Duterte. Maaga rin nitong ipinarada ang mga minamanok niyang kandidato sa paparating na mid-term election sa susunod na taon.

Hindi rin niya pinaligtas sa kanyang pananalita si Sister Patricia Fox, ang Australianang madreng kanyang walangawang pinaaresto at ipinade-deport, gayong 搈alaki ang tulong na inihatid ng kongregasyon ni Sr. Fox sa mga bayan ng North Quezon dahil sa livelihood program na mahigit isang dekada nang tinatamasa ng mga kababaihan doon�, dagdag pa ni Ka Cleo.

Nagpasaring din si Duterte na siya ay magiging 搈asaya na ipagpatuloy ang usapang pangkapayapaan� pero may mga bagay siyang hindi niya maiuurong. Inasukalang bala ang alok ni Duterte na muling buksan ang peace talks kung hindi naman niya iaatras ang mga kondisyon niyang makaisang panig.

Nanindigan si del Mundo na 揾angga抰 pabalat-bunga ang pangakong pagbabago ni Duterte kagaya ng pamimigay ng CLOA gayong libreng pamamahagi ng lupang sakahan ang kahilingan ng mga magsasaka, hindi aabante ang peace talks.� Nanawagan si Ka Cleo sa mamamayan ng Quezon at buong bansa na ito na ang tamang panahon para maging kritikal sa pasismo at namumuong diktadurya ni Duterte. 揔ailangang magkaisa ang sambayanan sa paglalantad, pagtatakwil at paglaban sa rehimeng US-Duterte�, dagdag pa nya.

Panghuli, sinabi nyang 搒a papasahol na militaristang paghahari ni Duterte sa bansa, walang ibang pagpipilian ang BHB at ang buong rebolusyunaryong kilusan kundi higit na palakasin ang pagtatanggol sa mamamayan at pulang kapangyarihang naipundar nito sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng mas pinaigting na aksyong militar laban sa mersenaryong hukbo at lahat ng galamay ng pasismo ng rehimeng US-Duterte.�

---

Mahigit 6000 mga manggagawa at mamamayan ng TK, nagtipon sa Mayo Uno

Aabot sa 6,837 mamamayan ng Timog Katagalugan ang nagtipon-tipon sa iba抰 ibang bahagi ng rehiyon upang gunitain ang ika-115 Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno. Pinakamalaking bilang dito ang nagmula sa uring manggagawa.

Sa temang 揥akasan ang kontraktwalisasyon at mga neoliberal na patakaran! Biguin ang panunupil ni Duterte sa manggagawa at mamamayan! Ituloy ang peace talks para sa pambansang industriyalisasyon!�, naging okasyon ang Mayo Uno ngayong taon upang ipagdiwang ang panimulang mga tagumpay na nakamit ng kilusang paggawa sa rehiyon. Kasabay nito, binitbit din ang panawagan hindi lang sa isyu ng manggagawa para sa makatarungang sahod at upang labanan ang kontraktwalisasyon kundi maging ang iba pang isyung pambayan. Tampok sa mga ito ang paglaban sa TRAIN Law, jeepney modernization, militarisasyon sa kanayunan at pangangamkam ng lupa ng mga magsasaka, paglabag sa karapatang pantao at paglaban para sa edukasyon at
demokratikong mga karapatan sa paaralan.

Aabot sa 3,511 ang nagtipon sa panrehiyong sentro sa Crossing, Calamba na pinapula ang kalsada ng mga bandila ng Partido Komunista ng Pilipinas. Itinanghal din ng uring manggagawa ang larawan ng limang dakilang gurong Komunistang sina Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Joseph Stalin at Mao Zedong. Pinakamalaki sa mga ito ang larawan ng ama ng Marxismong si
Karl Marx bilang pagdiriwang ng kanyang ika-200 kaarawan. Naglunsad din ng programa ang 398 manggagawa at iba pang mamamayan ng Cavite at 455 naman sa Rizal.

---

Pakikibaka para sa walong oras na paggawa

Ang pagkilos sa unang araw ng Mayo ay isang tradisyon ng uring manggagawa upang iprotesta ang mahabang oras ng pagtatrabaho (10-14 oras o higit pa). Sinimulan ng mga manggagawa sa bansang Australia ang taunang
pagkilos sa Mayo Uno noong 1856 na sinundan ng mga manggagawang Amerikano noong 1886.

Noong 1889, idineklara ng Kongreso ng Unang Internasyunal ang Mayo Uno bilang Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa/Araw ng Paggawa upang gunitain ang marahas na pagbuwag sa pagkilos ng manggagawa sa Haymarket Square, Chicago, US noong 1886. Niyakap ng Unyong Sobyet at iba pang noo抷 mga sosyalistang bayan sa Silangang Europa ang paggunita sa Araw ng Paggawa tuwing Mayo Uno upang hikayatin ang mga manggagawa ng daigdig na magkaisa laban sa kapitalismo. Mula noon, naging napakahalagang araw ang Mayo Uno para sa mga manggagawa sa buong daigdig at ginugunita ito taun-taon sa pamamagitan ng malalaking kilos-protesta at parada ng iba抰 ibang unyon sa paggawa kasama ang larawan ng mga dakilang komunistang gurong sina Karl Marx, Friedrich Engels, Vladimir Lenin, Joseph Stalin at Mao Zedong.

Sa kabilang banda, upang kontrahin ang sosyalistang konotasyon ng paggunita sa pandaigdigang araw ng paggawa, binago ni US Pres. Grover Cleveland noong 1894 ang petsa ng Araw ng Paggawa sa US at inilipat ito sa unang Lunes ng Setyembre na dati nang opisyal na araw sa US upang alalahanin ang makabuluhang papel ng mga manggagawa sa lipunan.

Ang Haymarket Riot ay isang marahas na kumprontasyon sa pagitan ng pulis at mga manggagawang naglulunsad ng mapayapang kilos-protesta noong Mayo 4, 1886. Bago ito, Mayo 3, napatay ang isang mangagawa at marami ang nasugatan sa panghihimasok ng mga pulis sa welga ng unyon sa McCormick Harvesting
Company. Ang welga ay bahagi ng malaking kampanyang masa upang igiit ang pagpapatupad sa walong oras kada araw na paggawa sa US. Upang ilantad at isigaw ang katarungan laban sa brutalidad ng pulis, naglunsad ng pagkilos ang mga manggagawa sa Haymarket Square nang sumunod na araw. Pinasabugan ng bomba ang kilos protesta habang binubuwag ito ng mga pulis.

Sa Pilipinas, inilunsad ang kauna-unahang pagkilos sa Mayo Uno noong 1903 sa pangunguna ng Unyon Obrera Democratica (UOD) na dinaluhan ng mahigit 100,000 manggagawa. Bitbit na panawagan ng mga manggagawang Pilipino ang makataong kondisyon sa paggawa at ang islogang 揔amatayan sa Imperyalismong Amerikano!�.

Nagpatuloy ang taunang pagkilos ng mga manggagawang Pilipino sa Mayo Uno hindi lamang para gunitain ang Araw ng Paggawa kundi maglunsad ng protesta laban sa imperyalismo na pangunahing dahilan ng kanilang pagkaalipin. Sa kasalukuyang higit na binubusabos ng mga patakarang neoliberal ang kalagayan ng mga manggagawa sa bansa, lalo silang naghahangad na wakasan ang lipunang malakolonyal at malapyudal at itayo ang isang lipunang magkakaloob sa kanila ng ganap na kalayaan.

---

Si Marx at ang Unang Internasyunal

Sa gitna ng lumalaganap na pambansang rebolusyonaryong pakikibaka ng uring proletaryado at burgesya sa Europa, lumakas ang tunguhin
ng pandaigdigang kilusan ng uring manggagawa laluna sa Britain at France. Iniluwal nito ang pagtatatag ng International Workingmen抯 Association o Unang Internasyunal noong Setyembre 28, 1864. Ang pulong ay dinaluhan ng mga imigranteng German, Italian at Polish kasama ang mga British at French at itinakda ang London bilang kanyang headquarters. Naihalal si Marx bilang bahagi ng konseho at naging Secretary for Germany. Sya rin ang sumulat ng balangkas ng unang programa at konstitusyon ng Unang Internasyunal sa dokumentaryong Inaugural Address and Provisional Rules. Kinongklusyunan ni Marx ang Inaugural Address ng panawagang: ang uring manggagawa ay hindi dapat ikahon ang sarili sa makitid na saklaw ng pambansang pulitika kundi kailangang magpakahusay sa lahat ng misteryo ng pandaigdigang pulitika.

Ang Inaugural Address of the International ay humanay kasunod ng Manipesto ng Partido Komunista bilang pinakamahahalagang dokumento nang panahong iyon para sa uring proletaryado. Maraming tumugon sa panawagan ng Unang Internasyunal at mabilis itong nakapagbinhi sa iba抰 ibang bahagi ng Europa sa batayan ng tangan nitong prinsipyo at mabilis ding paglaganap ng pakikibakang manggagawa. 

Ikatlo sa serye ng mga artikulo hinggil sa ika-200 kaarawan ni Karl Marx.

-------

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Duterterorismo, karahasan at gyera laban sa sambayanang Pilipino


Lathalain
Kalatas | Tomo 38 Bilang 5 | Mayo 2018

Mayo 23, 2017 nang ideklara ng rehimeng US-Duterte sa dikta ng imperyalistang among US at mga militaristang sina Lorenzana, Esperon at A駉 ang Batas Militar sa buong isla ng Mindanao. Ito rin ang hudyat ng pagsaklot ng mabangis na 揼yera kontra-terorismo� ng rehimen sa syudad ng Marawi at pagwasak dito sa tabing ng pagpuksa sa grupong Maute na diumano抷 may kaugnayan sa teroristang ISIS.

Sino nga ba ang makalilimot sa walang patumanggang pamamaril at pambobomba ng mga pwersa ng estado na pumatay sa mahigit 1,200 sibilyan habang aabot sa 800 ang nawawala, nagwasak sa mahigit P100 bilyong halaga ng pribado at pampublikong ari-arian ng noo抷 sentro ng komersyo ng mga kapatid nating Bangsamoro?

Makalipas lamang ang limang buwan ay napatag ng walang tigil na pagpapasabog ng AFP ang buong syudad na nagdisloka sa mahigit 400,000 mamamayan ng syudad na karamiha抷 Maranao. At ngayon, kapal-mukhang ipinagmamalaki ng rehimen ang 70 porsyento nitong 搉akauwi na sa syudad� gayong ang mga ito ay mga pansamantalang tahanan lamang sa anyo ng bunkhouses at mga tent.

Hindi pa nasiyahan dito, ikinalat ng rehimen ang gyera sa iba pang bahagi ng Mindanao sa kabila nang diumano抷 pagkatalo ng Maute Group sa pagkapaslang sa mga lider nitong sina Omar Maute at Isnilon Hapilon noong Oktubre 2017. Nagpatuloy ang mga labanan sa ngalan ng 損agtugis sa mga natitirang Maute�
sa buong isla na nagresulta na sa 66 pampulitikang pamamaslang hanggang nitong Disyembre 2017, at 200,000 bakwit mula sa iba抰 ibang komunidad ng mga Moro at Lumad. Walang mabuting kinahinatnan ang nagpapatuloy na Batas Militar sa Mindanao bagkus ay ang ibayong paglabag sa karapatan ng mamamayan at pagwasak sa kanilang kabuhayan at mga ari-arian. Tanging ang rehimeng US-Duterte, iba pang imperyalistang bansa, pasistang pwersa ng AFP-PNP-CAFGU laluna ang mga heneral nito at mga lokal na burukrata sa Mindanao ang nakinabang at patuloy pang nakikinabang kapalit ng bawat pagdanak ng dugo sa buong isla. Ang pagwasak ng Marawi sa ngalan ng gyera kontra-terorismo ay ginamit lamang na pintuan ni Duterte upang sistematikong palayasin ang mamamayan doon at ibenta ang syudad sa mga dayuhan at pagkakitaan ng lokal at pambansang mga burukrata. Nakatakdang gastusan ng rehimen ng aabot sa P75 bilyon ang rehabilitasyon at rekonstruksyon ng Marawi na tiyak na malaking bahagi ay mapupunta lamang sa bulsa ni Duterte at ng mga kasapakat nya sa paglulunsad ng madugong gyera laban sa mamamayang Moro.Tinataya namang isa sa pinakamalaking makikinabang sa syudad ay ang bansang Tsina kung saan ang lima sa siyam na kontraktor na bubuo sa consortium para sa rehabilitasyon at rekonstruksyon sa syudad ay mga kumpanyang Tsino.

Samantala, hindi nakaligtas ang mamamayang Pilipino sa natitirang bahagi ng bansa sa pasistang lagim ng Batas Militar ni Duterte sa pamamagitan ng Oplan Kapayapaan. Sa Timog Katagalugan, ramdam ng mamamayan ang brutal na pag-atake ng estado. Sa loob ng isang taon, pinaigting rin ng berdugong pwersa ng AFP at PNP ang paghahasik ng karahasan laban sa mamamayan. Umaabot na sa 10 ang bilang ng pampulitikang pamamaslang sa rehiyon, 34 ang iligal na inaresto, apat na biktima ng sapilitang pagkawala, pitong dinukot, 15 biktima ng pagtortyur, mahigit 86 sinampahan ng gawagawang kaso, at 16 kaso ng panggigipit sa 11 lugar kung saan may tunggalian sa lupa.

Pinakamalaki sa mga karahasang ito ay bunga ng inilulunsad na mga operasyong militar ng AFP-PNP-CAFGU-pribadong goons laban sa mga komunidad ng magsasaka at pambansang minorya sa kanayunan. Bumibilang na sa mahigit 168 ang mga operasyong militar na inilunsad ng armadong pwersa ng estado laban sa mamamayan sa isang buong taon. Sumaklaw ito sa 51 bayan sa mga probinsya ng Batangas, Laguna, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Quezon, at Rizal. Sa mga ito, nagtatayo ng iligal na checkpoint sa mga kalsada, nagpapatupad ng curfew, nagpapalikas, nanggigipit, nanghahalughog at nananakot ang mga pasistang pwersa. Mula rin nang ipatupad ang Batas Militar sa Mindanao, nagkaroon ng tatlong insidente ng pambobomba at pamamaril mula sa himpapawid na inilunsad ng mga pwersa ng AFP sa rehiyon.

Tulad sa Mindanao, naging pamamaraan din ng estado sa TK ang paghahasik ng pinatinding kontramamamayan at kontra-rebolusyonaryong pakana nito sa mga lugar na pinag-iinteresan ng mga dayuhang kapitalista at lokal na mga naghaharinguri. Kabilang sa mga ito ang una at ikaapat na distrito ng Batangas kung saan nakakonsentra ang mga proyektong eko-turismo at komersyal ng pinakamayamang malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa sa bansa; Bulalacao, Bongabong, Puerto Galera, Naujan sa Mindoro kung saan naroon ang mga proyektong mina at renewable energy; Timog ng Palawan kung saan nakakonsentra ang mga proyektong mina at plantasyon ng palm oil; Bondoc Peninsula kung saan naroon ang tinaguriang 揾acienda belt� sa Quezon; mga bayan ng Atimonan, Mauban at Pagbilao sa Quezon kung saan naroon ang coal-fired thermal plant ng mga dayuhang kumpanya; hangganang Rizal at Quezon kung saan naroon ang ilang mayor na proyekto ng rehimeng US-Duterte na Kaliwa at Kanan Dam.

Walang ibang ipinagtatanggol si Duterte sa inilulunsad nitong 揼yera kontra-terorismo� kundi ang interes ng dayuhan at mga lokal na naghaharing-uri. Wala siyang pinagkaiba sa amo niyang imperyalismong US sa paggamit sa gyera upang pasunurin ang lahat ng nais nitong panghimasukan tulad ng karanasan ng mga bansang Iraq, Afghanistan, Libya, Syria at marami pa. Nililikha nya ang multo ng terorismo sa mamamayan upang madali nitong tanggapin ang kanyang mga inihahasik na karahasan at kalupitan sa kabila nang patuloy na pag-ibayo at pagtindi ng krisis at kahirapan.

Ngunit hindi na bago sa mga Pilipino ang ganitong katangian ng isang pasistang diktador laluna抰 isinusuka na ng mamamayan ang katulad nyang asal-hayop at haling sa kayamana抰 kapangyarihan. Pirming sinasalubong ng malalakas na kilosprotesta at ng matutunog na mga taktikal na opensiba ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ang anumang pakana ni Duterte. Higit na lumalaki at lumalawak ang pambansademokratikong kilusan kapwa laban sa pasismo ng rehimeng US-Duterte at laban sa pag-atake nito sa kabuhayan at ari-arian ng mamamayan.

Gayunman, kailangan pang likhain ng mamamayan ang mas malawak na kilusang masa laban sa pasismo at tiranya ng rehimeng US-Duterte. Ibayo pang paglalantad sa pasistang katangian ng rehimen ang kailangan upang hamigin ang suporta at palahukin ang pinakamalaking bilang ng masang Pilipino sa paglaban at pagpapabagsak kay Duterte. Kasabay nito, patuloy pa ring palalakasin ng rebolusyonaryong hanay ang kanyang sarili upang abutin ang lakas na sapat upang kasunod ng pagbagsak ni Duterte ay mailibing na rin sa hukay ang paghahari ng imperyalismo at mga lokal na naghaharing-uri sa bansa.

——-

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Uring manggagawa, kamtin ang higit pang mga tagumpay sa pagsusulong ng digmang bayan!


Pangunahing Lathalain
Kalatas | Tomo 38 Bilang 5  | Mayo 2018

Lumalakas at lumalawak ang kilusang manggagawa sa mga tagumpay nito sa pakikibaka para ipaglaban ang kanilang mga lehitimong karapatan. Pinatunayan na sa kasaysayan ng kanilang pakikibaka na sa pamamagitan lamang ng kanilang pinagkaisang lakas, mapapaluhod nila ang mga kapitalista at maipagtatagumpay ang anumang laban. Sa paggunita sa ika-115 taon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa marapat lamang na ipagdiwang ang mga nakamit na tagumpay ng kilusang paggawa sa nakaraan.

Sa Timog Katagalugan, isang malaking arena ng labanan ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa regularisasyon at nakabubuhay na sahod. Naging mga panandang bato ang mga matatagumpay na welga sa rehiyon na bumigwas sa mga neoliberal na patakarang ipinatutupad ng imperyalismong US at nagpakita ng kanilang magiting na pakikibaka laban sa pagsasamantala.

Kabilang sa mga labang ito ang welga ng mga manggagawa ng Manila Cordage Company at Manco Synthetics, Inc (MCC-MSI) noong Mayo 2016 na nagtulak sa DOLE na maglabas ng desisyong gawing regular ang mga kontraktwal na mangggagawa ng nasabing pabrika. Isang taon bago ito, nagwelga ang mga manggagawa ng Tanduay Distillers, Inc. noong Mayo 2015 na nagsandal sa DOLE sa pader na maglabas ng desisyong iregularisa ang 150 manggagawang kontraktwal sa pabrika. At nitong 2017, napilitan si Lucio Tan na ibalik sa mga manggagawa ang P9.5 milyong money claims nitong malaon nang ipinagkait sa kanila.

Naging inspirasyon para sa mga manggagawa ang matagumpay na pagkilos ng mga kontraktwal na manggagawa sa Coca-Cola Femsa Philippines Inc. noong Mayo 2013. Tumagal lamang ng tatlong araw ang nasabing welga na nagregularisa sa 226 manggagawa nito. Nasundan ito noong Mayo 2017 kung saan nagwelga at nagtayo sila ng protest camp sa harap ng planta upang igiit sa kapitalistang Coke na tupdin ang desisyon ng DOLE na pagreregularisa sa 675 manggagawa. Naitulak ng welga ang kapitalistang Coke na humarap sa pagbubuo ng bagong Collective Bargaining Agreement (CBA). Naigiit rin ng kanilang welga ang pagreregularisa ng 178 kontraktwal na tinanggal noong Hunyo 2017.

Mas malaking tagumpay naman ang nakamit ng mga manggagawa nang maitulak nila ang mga kapitalista na tupdin ang desisyong gawing regular ang 33 manggagawa
ng Sun Logistics Technology Inc., 40 kontraktwal ng Gardenia Bakeries Phils., at 211 manggagawa ng Alaska Milk Inc. Samantala, isang antas na rin ng tagumpay ang naging pagkilala ng kapitalista sa mga unyon bilang natatangi at eksklusibong samahang makikipagnegosasyon o Sole and Exclusive Bargaining Agent (SEBA). Nagbunsod ito ng malaman at makabuluhang CBA hanggang sa tuluyang pagbubuo nito pabor sa mga manggagawa. Naganap ito sa mga pagawaan ng MIESCOR (Meralco Industrial Engineering Corporation), Fuji
Electric Philippines at Ebara Benguet Corp.

Susi ang pagbubuo ng mga unyon, asosasyon at organisasyon ng mga manggagawa upang ipagtagumpay ang kanilang mga pakikibaka sa rehiyon at buong bansa. Ang mga samahang ito ang siyang nagbubuklod sa mga manggagawa para kamtin ang tagumpay. Ibinunga ng mga pakikibakang ito ang pagkilala ng DOLE sa 29,202 kontraktwal na manggagawa sa iba抰 ibang pagawaan sa rehiyon.

Ilan lamang ito sa mga tagumpay ng kilusang manggagawa sa rehiyon na ibinunga ng kanilang mahigpit na pagkakaisa at samasamang pagkilos. Higit na malaking mga tagumpay pa ang makakamit ng mga manggagawa sa kanilang
mapagpasyang pagpapatuloy ng masiglang mga pakikibaka. Ang TK ang isa sa may pinakamalaking bilang ng manggagawa sa buong bansa kaya抰 signipikante ang papel nito upang organisahin at pakilusin sila sa malalakihang protestang bayan. Gayunman, malayo pa ang dapat tanawin ng uring manggagawa upang makamit ang ganap na paglaya ng kanyang uri. Nananatili pa rin ang kapitalistang pagsasamantala na pinatitindi ng paghambalos ng neoliberal na mga patakaran. Kailangang patuloy na itaas ng manggagawa ang kanyang pakikibaka at iugnay sa iba pang isyung panlipunan, kabigin ang iba pang uring pinagsasamantalahan at pangunahan ang kanilang pagmartsa sa lansangan.

Sa pamamagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas, pamunuan at bitbitin ang sulo ng demokratikong rebolusyong bayan kasama ang lahat ng mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan sa lipunang Pilipino hanggang sa buong daigdig. Maramihang lumahok ang uring manggagawa sa armadong pakikibaka sa kanayunan at tulungan ang uring magsasakang organisahin ang pinakamalaking pwersa nito para sa rebolusyon. Sa pagbubuo ng pinakamalakas na alyansa ng manggagawa at magsasaka, huhulmahin nila ang pinakamatalas na sandatang tatarak sa rehimen at papandayin ang sosyalistang lipunan sa hindi malabong hinaharap.

---

Mababang sahod at pasakit sa mga manggagawa

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin magawa ng reaksyunaryong gobyernong ipagkaloob ang kahit pansamantalang ginhawa sa mga manggagawa sa anyo ng dagdag-sahod. Ang pambansang panawagan para sa minimum na sahod na P750 kada araw ay sinagot lamang ng baryang pagtaas ng sahod. Ang Wage Order No. 18 na ipinatupad noong Hulyo 2016, isang buwan matapos ang pag-upo ni Duterte ay sweldong hindi pa rin makapagbigay ng disenteng pamumuhay sa manggagawa at sa kanyang pamilya. Sa TK, mula sa P337 ay itinaas lamang sa P366 ang pasahod sa Bi馻n at San Pedro habang P344 naman sa Sta. Rosa, Laguna hanggang Batangas at Rizal mula sa dating P315, samantalang nasa pagitan
lamang ng P288-P344 ang pasahod sa Quezon. Hindi makayang sabayan ng sweldo ng manggagawa sa rehiyon ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, singil sa kuryente, tubig, at iba pa bunga ng pasakit na Tax Reform for Acceleration & Inclusion (TRAIN).

-------

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com

Rebolusyon ang maglilibing sa rehimeng US-Duterte sa basurahan ng kasaysayan

Editoryal
Kalatas |Tomo 38 Bilang 5 | Mayo 2018

Halos dalawang taon na ang lumipas nang umupo sa estado-poder ang rehimeng US- Duterte, hindi pa rin natutugunan ang mga pangunahing suliranin sa bansa at lalo lamang tumitindi ang kanyang pasistang atake laban sa nakikibakang mamamayan. Sa kasalukuyan, ninanais lamang ni Rodrigo Duterte na pahupain ang galit ng mamamayang patuloy na nagpupursigeng isulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas.

Nitong Mayo 2, bumisita si Duterte sa lalawigan ng Quezon upang mamahagi ng CLOA sa mga magsasaka sa ilalim ng pekeng reporma sa lupa ng reaksyunaryong gubyerno. Pilit na tinatapalan ni Duterte ang suliranin ng mga magsasaka sa lalawigan upang magmukha siyang isang santo nang hindi binibigyan ng nararapat na lunas ang kahirapang nararanasan ng mamamayan. Nilalayon ni Duterte na linlangin ang mga magsasaka sa pag-aastang makamamamayan nito
upang ipakita na diumano抷 para ito sa kapayapaan sa kabila ng naghuhumiyaw na katotohanang tumitindi ang mga inilulunsad na
operasyong militar sa Quezon na dahilan ng pagdami ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao.

Wala sa hinagap ng kanyang rehimen na tugunan ang matagal nang problema ng mga magsasaka sa Quezon sa lupa at mababang presyo ng kanilang produktong lukad at buong niyog. Nananatili pa rin ang monopolyong kontrol sa lupa ng mga malalaking panginoong maylupa sa lalawigan tulad ng pamilyang Uy, Matias, Murray, Tan, Puyal at Gancayco.

Sa Mindoro, personal pang pumunta si Duterte upang ipagmalaki ang tulay ng Lisap sa Bongabong na proyekto pa ng mga nagdaang rehimen, pinasinayaan din niya ang malalaking proyektong kalsada at pang-enerhiya sa isla na tiyak na pakikinabangan ng kanyang mga among malalaking dayuhang korporasyon sa pagmimina. Sa ilalim ng programang Build Build Build at paggawa ng mga bagong tulay at kalsada, tuluy-tuloy na hinuhulma ng rehimeng US Duterte ang Mindoro upang gawing kaakit-akit sa malalaking mamumuhunan sa pagmimina habang isinasawalang bahala nito ang mga serbisyo para sa mamamayan. Habang pinapaganda nito ang mga daanan para sa pagmimina, lagi namang nasisira ang mga kalsada sa isla tulad ng bahagi ng Patrick Bridge sa Sablayan na siyang nagiging dahilan ng malimit na aksidente ng mga sasakyan at naglalagay sa panganib sa mamamayan. Walang kahihiyan pang isinisi nito sa rebolusyonaryong kilusan ang hindi pagkakaayos ng paggawa sa tulay habang busog na busog ang mga korap na mga upisyal na nakinabang sa pondo ng proyektong ito.

Samantala, sa okasyon mismo ng paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa, naglabas si Duterte ng walang silbing EO 51 bilang diumano抷 tugon sa matagal nang panawagan ng mga manggagawa na tuluyan nang wakasan ang kontraktwalisasyon sa bansa. Walang silbi ang kautusang ito sapagkat nananatiling umiiral ang mga batas sa ilalim ng reaksyunaryong konstitusyon na nagpapahintulot sa kontraktwalisasyon at iba pang iskema ng
pleksibilisasyon sa paggawa. Sadyang hindi sinsero si
Duterte sa kanyang pangako sa mga manggagawa at nakakiling ito sa mga lokal na kapitalista at dayuhang mamumuhunang nagsasamantala sa murang lakas paggawa sa bansa at sa pamamayagpag ng mga neoliberal na patakarang itinataguyod ng kanyang among imperyalismong US.

Sa kabilang banda, kapal-mukha namang inilalako ni Duterte ang mga isla sa West Philippine Sea sa Tsina bilang kolateral sa mga pautang at ayudang nakukuha nito sa mga mamumuhunang Tsino. Patuloy na niyuyurakan ni Duterte ang soberanya ng bansa sa pagsasawalang-bahala nito sa mga pag-angkin ng Tsina sa mga teritoryong saklaw ng Pilipinas. Kasabay nito, habang panay ang pagbubuladas nya kaugnay sa umano抷 kawalang-kakayahan ng US
na makipagdigma, nagpapatuloy naman ang mga pagsasanay-militar at pagmamantini ng pasilidadmilitar ng US sa Ulugan Bay sa Palawan at iba pang base ng AFP alinsunod sa EDCA.

Animo抷 inihahain ni Duterte ang buong bansa sa malalaking dayuhang kumpanya kapalit ang kapinsalaan ng mamamayan at kanilang kabuhayan. Ang mga pagbabagong ipinagmamalaki ni Duterte ay hindi para sa kabutihan ng sambayanan kundi para sa kanyang mga amo na asal-aso nitong sinusunod at sinasamba.

Kasabay nito, umarangkada rin ngayong buwan ang pagsirit pataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, gulay, isda, de lata, karne, produktong petrolyo at maging ang singil sa kuryente dahil sa pasakit na TRAIN Law. Ito ay sa kabila ng kalagayang walang dagdag na sahod para sa mga manggagawa at patuloy ang pagbulusok paibaba ng presyo ng mga produktong bukid ng mga magsasaka tulad ng niyog, atbp. Sa kabila nito, nagbibingi-bingihan lamang si Duterte at ang kanyang supermayorya sa Kongreso sa malawakang hinaing ng taumbayan na itigil na ang pagpapatupad ng salot na batas na ito.

Nitong nakaraan, nagpahayag si Duterte na handa itong ituloy ang peace talks sa NDFP ngunit isang malaking kwestyon pa rin ang sinseridad nito dahil sa tumitinding pasistang pag-atake nito laban sa mamamayan. Kasabay ng mga retorikang pursigido syang ituloy ang usapan, kabi-kabila naman ang kanyang pagbira sa CPP-NPA kaugnay sa pangmatagalang tigil-putukan at rebolusyonaryong pagbubuwis. Lalo lamang nalalantad ang hangarin nitong bitagin lamang ang rebolusyonaryong kilusan sa pagsuko nang hindi tinutugunan ang mga karaingan ng mamamayan lalo na抰 nakasalang ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms. Ganito si Rodrigo Duterte, habang inaaliw nito ang mamamayan sa kanyang mga retorika at demagohiya, sinasampal nito ang sambayanan sa kaliwa抰 kanang panlilinlang at pagyurak sa kanilang mga batayang karapatan.

Walang natamasang kaginhawaan ang mamamayan sa halos dalawang taon ng paghahari ng rehimeng USDuterte. Ang kanyang mga pangako sa panahon ng kampanya at sa unang mga buwan nito sa estadopoder ay labas-sa-ilong at pawang mga buladas lamang. Ang mga batas na ipinatutupad ng rehimeng US-Duterte tulad ng TRAIN Law at iba pa ay lalong nagbabaon sa mamamayan sa ibayong pagdurusa. Hindi tunay na panlipunang pagbabago at kaginhawaan ang hatid ng kanyang rehimen kundi higit na paghihikahos at pagdurusa.

Dapat lalong pahigpitin ng mamamayan ang kanilang pagkilos upang
ilantad, labanan hanggang sa tuluyang ibagsak ang rehimeng US-Duterte. Hindi mapapawi ang pagsasamantala at pangaapi sa lipunang Pilipino sa patuloy na pagtataguyod ni Duterte ng iba抰 ibang antimamamayan at makaimperyalistang mga patakaran. Tanging sa pagtatagumpay lamang ng digmang bayan, ganap na maiwawaksi ng mamamayan ang daantaong kahirapang kanilang nararanasan. Ito
ang makapangyarihang sandatang dapat nilang tanganan na siyang
magbabaon kay Duterte sa basurahan ng kasaysayan kasama
ang iba pang mga pasista at diktador na matagal nang itinakwil
ng sambayanang nakikibaka.

——-

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM). Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:
st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com