Ikalawang lathalain | Kalatas | Setyembre 2017

Ikalawang lathalain | Kalatas | Setyembre 2017

Bangungot ng Batas Militar

Ninakaw ng batas militar ang kabataan ko.  Dalawang taong gulang pa lamang ako nang ideklara ni Ferdinand Marcos ang batas militar sa buong bansa. 

Nakatira kami sa bundok dahil trabaho ni Tatay ang gumawa ng bangka mula sa mga malalaking punongkahoy.  Kapag naluwas sa bayan ay marami akong nakikitang PC (Philippine Constabulary) sa paligid, nag-iikot.  Dahil marami sa lugar naming ang hanapbuhay ay nasa bundok, naging target na rin kami ng panunugis at pandarahas. 

Ipinagbawal sa mga tao ang manirahan sa bundok, kaya maraming bumaba at nanatili sa bayan.  Dahil dito, marami ang naghirap at walang makain dahil napalayo sila sa kanilang hanapbuhay. Ang mga naiwang ari-arian sa bundok tulad ng alagang manok at mga kagamitang pansaka ay ninanakaw ng mga PC.  Ang pinakamasahol, kapag tao mismo ang nadadatnan ay inaakusahang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan, binubugbog, inaaresto, o minsa’y pinapatay. 

Trese anyos na ako noong napilitan kaming manirahan sa bayan.  Naging mas mahirap ang buhay namin dahil kapag aahon si Tatay sa umaga para magtrabaho ay kailangan rin niyang bumaba agad at umuwi sa bahay bago magdilim para hindi hulihin at dukutin ng PC. Naalala ko noon na kapag magbabaon si Tatay ng bigas paakyat, kailangan isang takal na pang-tanghalian niya lamang ang dadalhin niya at tatlong ulo lang ng posporo ang pwede niyang gamitin sa paggawa ng apoy.  Kapag sumobra ang dala, kukunin nila ang mga iyon at wag ka nang magreklamo dahil sakit lang ng katawan ang isasagot nila sa ‘yo. 

Dahil bata pa ako noong batas militar, hindi nito mapipigilan ang hilig ng lahat ng mga bata: ang maggala.  Kaya umaabot ako sa kalapit na mga barangay sa amin at higit na nalantad sa akin ang pagkamersenaryo ng mga PC.  Taong 1985 nang minsang binisita ko ang aking pinsan sa kabilang barangay.  Habang naglalakad, sinita ako ng isang myembro ng PC.  Dahil sa takot, tumakbo ako nang napakabilis na parang isang usa.  Maya- maya’y nakarinig ako ng malakas na mga putok.  Ako ba ang pinapaputukan ng PC? Tumakbo ako nang pasigsag para maiwasan ang tama ng bala at hindi na nilingon pa ang bumabaril.  Matapos ‘yun, sinabi ko sa sarili kong hindi na ako ulit pupunta doon. 

May isang pagkakataon ding inutusan ako ni Tatay na bumili ng isang sakong bigas gamit ang kabayo.  Habang pauwi, hinarang ako ng isa na namang PC at itinutok ang dulo ng baril nito sa sako, sa wari ko’y sinisiguradong bigas nga ang laman noon. Mabuti na lamang at nasa tapat kami ng bahay ni Kagawad at nang lumabas siya ay sinabihan niya ang sundalong iyon na kilala niya ako.  Pinalampas ako ng PC at nakauwi nang matiwasay. 
Di naglaon ay naging talamak ang hulihan at patayan sa aming lugar.  Dumarami ang inaakusahang kasapi o sumusuporta sa rebolusyonaryong mga organisasyon tulad ng BHB.  Kahit sina Kapitan at Kagawad ay pinaghihinalaan ding tagasuporta.  Kapansin-pansin din ang pagkawala ng maraming kabataan sa amin.  Sino ba naman ang hindi lalaban sa gubyerno kung ganoon kapasista ang ginagawa ng PC?  Kahit nga ako ay pinag-initan na rin at naging usap-usapan na tumutulong daw sa BHB dahil sa pagiging gala ko. 

Taong 1986 nang patalsikin si Marcos ng malakas at sama- samang pagkilos ng mamamayan.  Pero nakasasama ng loob na bagama’t nawala ang Batas Militar at ang malahalimaw na si Marcos ay nananatili ang karahasan sa kanayunan.  Mula sa mga naging karanasan ko sa batas militar noong aking kabataan hanggang sa nararanasan ngayon ng aking mga anak at apo, tila nauulit ang bangungot ng nakaraan. 

*Isang panayam kay Ka Simeon, isang magsasakang biktima ng batas militar noong panahon ni Marcos at kasalukuyang kagawad ng lokal na komiteng seksyon.


-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com
Advertisements

​Bantay Karapatan | Kalatas | Setyembre 2017

Bantay Karapatan | Kalatas | Setyembre 2017

Pambobomba, pamamaslang at pandarahas sa Batangas 

Noong Setyembre 24-28, nagsagawa ang mga pwersa ng 730th Combat Group ng Philippine Air Force at 202nd IBPA ng aerial bombings at strafing sa mga barangay ng Talumpok Silangan, Cumba at Talahib Pandayan matapos ang engkwentro sa pagitan ng mga tropa ng militar at isang yunit ng BHB- Batangas.  Bunga nito, tatlong sibilyan ang namatay, nagbakwit ang daan-daang residente habang sapilitang pinalikas ang iba pa.  Nagtayo rin ng checkpoints sa paligid ng Mt. Banoi ang mga pwersa ng PAF at PNP. 

Ilang beses namang hinarang ng militar at pulis ang quick reaction team at fact finding mission na isinagawa ng Karapatan-ST, People Working for Peace at Batangas Integrated Human Rights Advocates upang itago ang naging epekto ng marahas at madugong operasyon sa paligid ng Mt. Banoi.  Nakaranas ng pananakot at panggigipit ang mga delegado.   Pagkadating pa lamang nila sa Brgy. Cumba ay pinalibutan na sila ng mga elemento ng militar na naka-full battle gear.  
Nagpakalat ng gawa-gawang balita ang militar na mayroon umanong nakakalat na landmines sa pinaglabanan upang pigilan ang pagpasok ng QRT, gayundin ang pagbalik ng mga residente sa kanilang mga bahay.  Noong Setyembre 28, nagpakalat din ng balita ang militar na may labanan umanong naganap sa Lobo upang bigyang-katwiran ang ginagawang pambobomba doon gayong wala namang nagaganap na engkwentro sa pagitan ng BHB at militar. 

Pinahirapan naman ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao at mga kaanak ng namartir na Pulang mandirigmang si John Ryan Macatigbak na makuha ang kanyang katawan.  Umabot pa ng apat na araw bago naiuwi ang mga labi ni Macatigbak. 

Ayon kay Apolinario Matienza, tagapagsalita ng BHB-Batangas, nagamit ngayon ng rehimeng US- Duterte bilang magandang tiyempo ang naganap na engkwentro upang ipataw ang kanyang kamay na bakal sa Batangas City sa ngalan ng negosyo.  Ayon pa kay Matienza, ang mga barangay na nakapalibot sa Mt. Banoi at Nagueling Complex ay planong minahin ng Mindoro Resources Limited o MRL dahil sa mayamang mina ng ginto. 

Samantala, dinukot ng mga militar si Rene Baldrias, isang lider sa Calaca ng Anakpawis at POWER Just! (People’s Organizations Waging Environmental Rights and Justice) noong Agosto.  Sapilitang kinukuhanan ng mga impormasyon si Baldrias sa pamamagitan ng pagtatanong dito ng mga pangalan.  Makalipas ang dalawang linggo ay inilantad at pinakawalan din sya. 

Noong Setyembre 2, ganap na alas-9:30 ng gabi, binaril naman ng dalawang lalaki si Engracio delos Reyes sa kanyang bahay sa Brgy. Baha sa bayan ng Calatagan.  Si delos Reyes ay bise presidente ng Samahan ng Maliliit na Mangingisda at Magsasaka sa Calatagan. 

---

Dalawang katutubong Mangyan sa Oriental Mindoro, pinaslang 

Pinaslang ang dalawang katutubong Mangyan na sina Erning Aykid at Aylan Antoy, mga konsehal ng Brgy. Benli sa bayan ng Bulalacao.  Nakita ang kanilang bangkay noong Setyembre 15, ganap na alas-11:30 ng umaga sa parehong barangay na may mga tama ng bala ng 45-caliber pistol. Si Aykid ay lider ng TAHM,  isang samahan ng tribung Hanunuo.  Isa sa isyung kanilang 
ipinaglalaban ay ang pagtutol sa pagtatayo ng kalsadang bumubutas mula Brgy. Benli papuntang Caguray River na paglulunsaran ng operasyong quarry at tatagos sa Tinawagan Ranch at iba pang rantso sa Brgy. Panaytayan, Mansalay sa Oriental Mindoro para idebelop.  Si Lantoy naman na pamangkin ni Aykid ay isang mahusay na aktibistang masang sumusuporta sa lehitimong pakikibaka ng mga katutubong Hanunuo. 

---

Pandarahas sa mga katutubong Dumagat at Remontado 

Nagpapatuloy ang pandarahas ng mga pwersa ng 80th IB-PA at mga ahente ng DENR sa mga katutubong Dumagat at Remontado sa pamamagitan ng paninira ng kanilang kabahayan at bangka.  Samantala, tampok ang surbeylans ng dalawang ahenteng paniktik ng militar sa Dumagat Day noong Agosto 27-29.  Bukod dito, namataan din ang mga ito sa tulay ng Brgy. Umiray sa bayan ng Gen. Nakar, Quezon na nagmamanman sa mga aktibidad ng mga katutubo sa lugar. 

---

Delegado ng Lakbayan ng Pambansang Minorya, hinaras

Hinaras ng mga pwersa ng Quezon Provincial Public Safety Company sa ilalim ng 6th Maneuver Platoon ng PNP Scout ang mga delegado ng Lakbayan ng Pambansang Minorya sa isang checkpoint sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.  Kinuha ang lisensya ng ilan sa mga drayber ng mga bus nang sila’y kakausapin na para kunin ang kanilang mga pangalan.  

---

Kampuhan sa Manggahan Floodway, marahas na dinispers 

Marahas na dinispers ng mga pwersa ng estado ang kampuhan ng mga maralitang lungsod sa Manggahan Floodway sa Pasig.  Ang nasabing kampuhan ay laban sa nakaambang demolisyon sa Floodway sa Pasig na sasaklaw hanggang Cainta, Rizal. 

Noong Agosto 31, binomba ng tubig ang kampuhan, pinagpapalo ang mga residente at pinagbabato ng mga molotov.  Nasa 41 ang bilang ng mga inaresto ng mga pulis at kinasuhan ng direct assault. Kabilang dito ang 10 batang edad 12 hanggang 18 anyos na kinasuhan naman ng resisting arrest.  Halos kalahati sa mga inaresto ay mga sibilyan na nadamay lamang dahil sa panghuhuli ng mga SWAT at pulis. 


---

Paglabag sa karapatang-tao sa Palawan, nagpapatuloy 

Sa bayan ng Bataraza, nagpapatuloy ang pandarahas ng mga pwersa ng SAF, Marines at AFP sa 110 residente ng Sitio Taguridas at Culasian ng Brgy. Bonobono at Ilian.  Noong Hunyo 21 ganap na alas-10 ng umaga, nagpaputok ang mga mersenaryo sa itaas ng bundok ng Maliwanon ng Sitio Taguridas, Brgy. Bonobono, ang komunidad ng mga katutubong Palaw’an.  Tumagal ito ng 10 minuto.  Dahil dito, sapilitang lumikas ang mga residente ng nasabing lugar.  Bukod dito, ipinagbawal din sa mga katutubo ang pananatili sa bundok mula alas-4 ng hapon. 

Samantala, sa Brgy. New Guinlo sa bayan naman ng Taytay, iligal na inaresto at inakusahan na myembro ng BHB noong Agosto 12 si Elly Reyes Peńaredondo, isang magsasaka.  Dinala sya sa isang istasyon ng pulis ng kanilang kapitan at dito pilit na pinapaamin bilang kasapi ng BHB.  Sa Sitio Maubog, Brgy. Alacalian, tinortyur ng mga pulis at elemento ng 1st Maneuver Company-RPSB sina Noel at Reden Peńaredondo at Eleasar Buenasalbas noong Agosto 11.  Pinagtatadyakan ang tatlong magsasaka at pilit na pinapaamin na umano’y mga myembro ng BHB.  Bukod dito, apat na magsasaka naman ang inakusahan na mga myembro ng BHB at inaresto ng mga elemento ng 12th MBLT.  Ang nasabing pwersa ng reaksyunaryong gubyerno ay nakakampo sa isang basketball court at nagsasagawa ng house-to-house interrogations at paghahanap simula Agosto 27. 

---

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com

Editoryal | Kalatas | Setyembre 2017

Editoryal | Kalatas | Setyembre 2017

Labanan ang nagbabadyang diktadura ng rehimeng US-Duterte at panunumbalik ng batas militar sa buong bansa! 

Nangangatog na ang tuhod ng rehimeng US-Duterte sa ipinamalas na galit at lakas ng ilampung libong mamamayang humugos sa lansangan noong Setyembre 21, ang komemorasyon ng ika-45 taong pagpapataw ng batas militar ng diktadurang US-Marcos.  Sa kabila ng pananakot at pagbabanta ni Duterte laban sa mga sasama sa pagkilos, hindi natinag ang sambayanang Pilipino at nakiisa sa sigaw laban sa nagbabantang diktadura ng rehimeng US-Duterte. 

Bago pa man ang pagkilos noong anibersaryo ng batas militar ni Marcos, samu’t saring mga pakana na ang ipinahayag ni Duterte.  Ilan sa mga ito ang pagbabantang magdedeklara ng batas militar sa buong bansa kapag naging marahas ang mga kilos- protesta at ang pagpapakalat ng kasinungalingang lalahok ang hukbong bayan sa mga pagkilos. Hindi na kagulat-gulat pa kung sa susunod na mga panahon ay may maganap na mararahas na pag- atake tulad ng nangyaring pambobomba sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 na ibinintang sa rebolusyonaryong kilusan at ginawang tuntungan ni Marcos upang suspendihin ang writ of habeas corpus, o ang palabas na “ambush me” ni Juan Ponce Enrile na diumano’y naging huling hibla ni Marcos nang ipataw niya ang batas militar noong 1972. 

Sa Mindanao, ginamit ni Duterte ang multo ng ISIS at sinamantala ang sumiklab na labanan sa Marawi bunsod ng bulilyasong operasyong likidasyon ng US kay Isnilon Hapilon bilang tuntungan ng pagpapataw ng batas militar sa buong isla.  Binigyang- daan nito ang panghihimasok ng mga tropang Amerikano na lansakang yumurak sa pambansang soberanya ng bansa. 

Sa ilalim ng batas militar ay inilunsad niya ang isang gera laban sa mamamayan at mga Moro sa paglulunsad ng mga pambobomba at panganganyon sa syudad na pumaslang sa napakaraming sibilyan, nagwasak sa syudad, sa buhay at kabuhayan hindi lamang ng mga taga- Marawi kundi maging ng mamamayan sa iba pang bahagi ng Mindanao.  Nadisloka ang daan-libong mamamayan at hanggang sa kasalukuyan ay nananatili sa iba’t ibang evacuation centers nang walang kasiguruhan kung kailan manunumbalik sa kanilang dating pamumuhay. 

Ngayon, sa inilabas na diumanong matrix ng druglords na nagpondo sa labanan sa Marawi ay nililito na naman ni Duterte ang mamamayan at inilalayo sa kanyang rehimen, sa US at mga militaristang alipures niya sa gubyerno ang pananagutan sa pagkawasak ng Marawi (basahin ang artikulong “Hukayin ang katotohanan sa likod ng pagkubkob ng AFP sa Marawi” sa isyu ng Ang Bayan, Agosto 21, 2017, pahina 6-10 na nagtatalakay sa tunay na pangyayari sa Marawi). 

Wala mang deklaradong batas militar sa kasalukuyan, ano pa nga ba ang ipinagkaiba ni Duterte kay Marcos?  Hindi man isinara ang Kongreso katulad ng ginawa ni Marcos noon, nagsisilbi naman itong rubber stamp sa lahat ng kagustuhan ng rehimen.  Nagsasanib-pwersa ang mga alipures ni Duterte para atakehin ang sinumang balakid sa mga patakaran nito at pasistang paghahari.  Tampok dito ang paglilinis sa hudikatura, pangunahin sa pamamagitan ng mga hakbangin para patalsikin ang punong mahistrado para makapagtalaga si Duterte ng kanyang galamay sa loob nito.  Kaakibat sa paglilinis na ito ang mga parehong hakbangin ng pagpapatalsik sa Ombudsman. Tuluy-tuloy rin ang panggigipit sa pinuno ng Commission on Elections at sa Commission on Human Rights na kilalang kritikal sa kanyang gera-kontra-droga. 

Inaapura rin ng rehimeng US-Duterte ang kagyat na pagsasabatas ng National ID System para magkaroon siya ng kontrol hindi lamang sa batayang impormasyon ng bawat indibidwal, kundi maging sa lahat ng kanilang mga transaksyon at panlipunang aktibidad na magagamit sa paniniktik, panggigipit at pananakot sa mamamayan. 

Animo’y ipinataw na rin ni Duterte ang batas militar dahil sa mga pang-aabuso ng mga pwersang panseguridad ng estado at sa dumaraming mga kaso ng paglabag sa kalayaang sibil at karapatang pantao ng mamamayan. 

Tampok dito ang gera-kontra-droga ng rehimen kung saan patuloy na dumarami ang mga biktima ng summary executions, pamamaril ng riding-in- tandem at maging ang mga napapaslang sa mga operasyon ng mga pulis dahil diumano’y nanlaban ang mga ito.  Dumarami rin ang mga nabibiktimang menor de edad at magpahanggang sa kasalukuyan ay wala pang napapanagot sa mga pamamaslang. 

Sa balangkas ng iba’t ibang oplan, basta-basta na lamang pumapasok ang mga pulis sa iba’t ibang mga negosyo tulad ng mga kainan kung saan inoobliga ang mamamayan na ipakita ang kanilang mga gamit sa kabila ng kawalan ng mga dokumento gaya ng search warrant.  Labag din sa kalayaang sibil ng mamamayan ang ginagawang pagbabahay-bahay ng mga pulis at basta-basta na lamang pagsasagawa ng mga imbestigasyon o di kaya ay random drug testing nang walang pahintulot ng mga residente. 

Walang puknat din ang panghahalihaw ng mga militar sa mga komunidad ng mga magsasaka at katutubo sa kanayunan sa ilalim ng Oplan Kapayapaan at all out war.  Dumarami ang bilang ng mga ekstrahudisyal na pamamaslang, ang pinakahuling insidente ay ang pagpaslang sa dalawang katutubong Mangyan sa Oriental Mindoro.  Nagpapatuloy din ang pandarahas sa mga Dumagat sa Quezon at mga katutubong Palaw’an sa isla ng Palawan. 

Ginigipit din ang mamamayan sa pamamagitan ng pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso sa mga sibilyan at pag-uugnay sa kanila sa Bagong Hukbong Bayan.  Tiyak na mas titindi at dadami pa ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan sa ilalim ng Community Mobilization Project (CMP) na naglalayong bumuo ng lambat ng paniktik laban pangunahin sa mga progresibo at rebolusyonaryo, at sa diumanong may mga kaugnayan sa iligal na droga. 

Samantala, sa ilalim ng all out war ng rehimeng US-Duterte, mas tumindi ang mga operasyong militar ng AFP.  Matapos bawiin ang deklarasyong tigil-putukan at ipataw ang all out war, di bababa sa 127 operasyong militar na sumaklaw sa 38 bayan at 74 barangay sa buong rehiyon ang inilunsad ng AFP.  Kahit sa panahon ng unilateral na tigil-putukan ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) mula Agosto 2016 hanggang Pebrero 2017, umabot sa mahigit 110 operasyong kombat ang inilunsad ng pasistang pwersa ng estado. 

Pinakahuling tampok na kaso ang isinagawa ng AFP na walang habas na pambobomba at istraping mula sa himpapawid sa paligid ng Mt. Banoi at Mt. Naguiling Complex, sakop ng syudad ng Batangas nitong huling linggo lamang ng buwan ng Setyembre.  Resulta nito, napatay ang tatlong sibilyan at sapilitang pinalikas ang maraming pamilya.  Ginamit na dahilan ng AFP ang naganap na 30 minutong labanan sa pagitan ng isang yunit ng BHB upang gawin ang aerial bombing sa layuning lumikha ng takot sa hanay ng mamamayan upang bigyang daan ang malawakang pagmimina ng ginto sa nasabing lugar.  Kung kinaya itong gawin ng rehimeng US-Duterte sa lalawigan ng Batangas na halos kalapit na ng sentrong lunsod ng Kamaynilaan, mahihinuha na ito na ang magiging karaniwang kaganapan sa lahat ng bahagi ng mga probinsya sa rehiyon at sa buong bansa, at saanman may mga pakikibakang masa ang mamamayan na nais patahimikin at sugpuin ng pasistang rehimen. 

Ang mga gerang ito ng panunupil ng pasistang si Duterte ang higit na nagpaalab sa nasyunalismo at patriyotismo ng mamamayang Pilipino na ipinamalas nila sa ipinakitang lakas at pagkakaisa sa kilos-protesta noong Setyembre 21.  Ito rin ang higit na nagpalakas sa naganap na pag-aalsa ng mamamayang Moro sa Marawi na nagbunsod sa panibagong pagsiklab ng armadong paglaban ng mamamayang Moro sa Mindanao.  Ito rin ang kundisyon na lalong nagtutulak sa sambayanang Pilipino upang isulong at higit pang palakasin ang digmang bayan na inilulunsad ng CPP- NPA-NDF sa buong kapuluan.  Tiyak ang pagdaluyong ng armado at di armadong paglaban ng mas marami at mas malawak pang hanay ng mamamayan sa darating na mga panahon sa harap ng pasistang paghahari ng rehimeng US-Duterte.  Determinado ang sambayanang Pilipinong labanan ang nagbabadyang diktadura at panunumbalik ng batas militar sa buong bansa, katulad ng ipinamalas nilang paglaban sa pinabagsak na kinamumuhiang diktadurang US- Marcos. 

Upang epektibong malabanan ang nagbabadyang diktadura at pagpapataw ng batas militar sa buong bansa, nararapat na ilunsad nang buong giting ang iba’t ibang anyo ng paglaban ng mamamayan upang ilantad, ihiwalay hanggang sa ibagsak ang rehimeng US-Duterte.  Kaugnay nito, kailangang buuin ang pinakamalawak na pagkakaisa ng lahat ng demokratikong uri at sektor sa lipunan upang labanan ang pasismo, nagbabadyang diktadurya at pagpapataw ng batas militar sa buong bansa.  Ibayong palawakin ang naaabot at iwaksi ang kamalian ng pagkakasya sa makitid na seksyon ng mamamayang dati nang inaabot at napapakilos.  Abutin ang iba pang seksyon ng mamamayan, labas sa naiimpulwensyahan ng rebolusyonaryong kilusan.  Abutin, maging ang seksyon ng mga naghaharing uri na lumalaban sa pasismo, diktadura at pagpapataw ng batas militar sa bansa. 

Kaakibat nito, dalhin ang digmang bayan sa isang bago at mas mataas na antas.  Ito ang pinakaepektibong paraan upang labanan at biguin 
ang pasismo, nagbabadyang diktadura at pagpapataw ng batas militar sa buong bansa.  Palakasin ang BHB sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga bagong sampa, paglulunsad ng mga pag-aaral at pagsasanay upang itaas ang antas ng kakayanan sa taktika at teknika sa pakikidigma.  Buuin ang armadong mga yunit ng BHB sa hanay ng mamamayan at palakasin ang mga Komite sa Depensa ng mga rebolusyonaryong organisasyong masa.  Sa pamamagitan nito, mapapalakas ang kapasidad ng mamamayan upang depensahan ang sarili laban sa mga pang-aatake at pandarahas ng mga armadong pwersa ng rehimeng US-Duterte.  Sa bisa ng paglakas ng BHB, paglawak at paglalim ng rebolusyonaryong baseng masa, ilunsad ang mga matatagumpay na taktikal na opensiba laban sa mga pwersa ng AFP-PNP-CAFGU at iba pang mga pribadong armadong pwersa ng mga pinakapusakal na naghaharing uri.  Organisahin at palakasin ang rebolusyonaryong organisasyon ng masang magsasaka at sa tulong at lakas ng BHB, ipagtagumpay ang mga pakikibaka laban sa iba’t ibang tipo ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala hanggang kamtin ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasakang wala o kulang sa lupang binubungkal. 

Ang panibagong pabalat-bungang pagpapalutang ni Duterte ng mga pahayag na nais umano nitong humarap muli sa pakikipagnegosasyon sa NDFP ay naglalayon lamang na pahupain ang momentum ng lumalakas na paglaban sa kanyang rehimen.  Isa rin itong inasukalang bala upang pasukuin ang rebolusyonaryong kilusan sa pamamagitan ng pagtatali dito sa isang matagalang tigil-putukan.  Kaugnay nito, palaging nakahanda ang rebolusyonaryong kilusang lumaban upang kamtin ang pambansang kalayaan at demokrasya mayroon man o walang nagaganap na usapang pangkapayapaan.  Hindi nagmamaliw ang pagnanais ng rebolusyonaryong kilusan at mamamayan na ipagtagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan sa pamamagitan ng digmang bayan upang itayo ang isang tunay na demokratikong gubyerno na naglilingkod sa buong sambayanan. 


-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com

Kultura | Kalatas | Setyembre 2017

Kultura | Kalatas | Setyembre 2017

Sugaga ni Marlon “Ka Ope” Caacbay

Pinapawi ng bukang-liwayway ang mga ulap sa gulod, 
Tulad ng digmang sa bayan ay naglilingkod 
Maagap sa banta at atake ng mga pasista, 
Sa pagdungaw ng silahis ay handa nang umalis.

Madalas akong inaaliw ng indayog ng mga niyog,
Sa katapatan ng araw, sa lilim ng anahaw 
Musika sa pandinig ang pagaspas ng mga palapa, 
Habang mga huni naman ay umaawit nang payapa

Sa gabi’y matalas ang pakiramdam, 
Sinusugsog ang dilim at kasukalan 
Mulat sa koro ng mga batok, 
Handang magmartsa sa saliw ng putok

Sa bawat pag-alis ay huwag mag-iiwan ng bakas, 
Kakayahan ng kaaway ay sadya pang malakas, 
Panatilihin silang bulag at nangangapa, 
Habang tayo’y humahakbang tungong pagkapatas. 

*Si Ka Ope ay isang magiting na Pulang mandirigma ng BHB mula sa sektor ng kabataan-estudyante. Namartir siya sa isang labanan noong Mayo 10, 2015 sa San Vicente Kanluran, Catanauan, Quezon.


---

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com

Pangunahing Lathalain | Kalatas | Setyembre 2017

Pangunahing Lathalain | Kalatas | Setyembre 2017

Batas militar at Oplan Kapayapaan: pinatinding atake laban sa katutubong mamamayan

Sa Timog Katagalugan, pangunahing tinatamaan ng kalupitan ng nagpalit-palitang mga kontra-mamamayang pakana ng nagdaang mga rehimen ang mga katutubo.  Sa kasalukuyan, nagiging biktima ng de facto martial law at Oplan Kapayapaan ng rehimeng US-Duterte ang mga komunidad ng Palaw’an, Mangyan, Dumagat at iba pang katutubong mamamayan sa kanayunan.  Target ng mga pamamaslang, iligal na pang- aaresto at iba pang tipo ng mga panggigipit ang kanilang mga komunidad laluna iyong mga nagbibigkis at nagtatayo ng sariling organisasyon para ipagtanggol ang kanilang lehitimong karapatan sa kanilang lupang ninuno. 

Sa lalawigan ng Palawan kung saan pinakamasinsin ang operasyong militar na inilulunsad ng mga yunit ng Phil. Marines, Phil. Navy at PNP nitong nakaraang dalawang buwan, sunud-sunod ang panghahalughog, reyd at pandarahas sa hanay ng mga katutubong Palaw’an at Tagbanua.  Lumilikha ng mga senaryong labanan ang militar laban sa diumano’y mga yunit ng BHB sa isla upang gawing lehitimo ang mga operasyon nito.  Pananabotahe rin sa kabuhayan ng mga katutubo at iba pang mamamayang Palawan ang paghihigpit ng mga militar na dapat ay makababa na ng bundok ang mga magsasaka bago sumapit ang alas-4 ng hapon dahil huhulihin sila at aakusahang mga myembro ng BHB.

Sa isla ng Mindoro, biktima ng pampulitikang pamamaslang ang dalawang lider-Mangyan na sina Erning Aykid at Aylan Lantoy na kapwa konsehal ng Brgy. Benli sa bayan ng Bulalacao, Oriental Mindoro.   Sina Aykid at Lantay ay parehong mga lider-masa ng katutubong Hanunuo (isang tribu ng Mangyan) na aktibong nagtatanggol sa kanilang lupang ninuno laban sa mapaminsalang mga proyekto sa lugar. 

Bukod pa rito ang nagpapatuloy na militarisasyon ng mga yunit ng 4th IB, 76th IB at 59th IB sa buong isla laluna sa mga bayan ng Bulalacao at Mansalay simula pa noong Marso. Matatandaang noong Abril ng kasalukuyang taon ay binomba rin ng mersenaryong AFP ang kanilang mga komunidad. 

Sa hangganang Quezon-Rizal naman kung saan nakakonsentra ang malaking bilang ng mga katutubong Dumagat at Remontado ay tampok ang panggigipit at pandarahas ng mga elemento ng 80th IB, 59th IB at mga kagawad ng DENR.  Tampok ang pangwawasak sa ari-arian at maliit na naipupundar na kabuhayan ng mga katutubo sa pangunguna ng mga elemento ng militar kasabwat ang DENR.  Ang mga pwersa ng 80th IB ang nagsisilbing security ng mga kagawad ng DENR na nangunguna sa pagbabawal sa mga lehitimong kabuhayan ng kadumagatan sa tabing ng pangangalaga sa kalikasan upang bigyang-daan ang mga dambuhalang proyekto tulad ng National Greening Program, eko-turismo at pagtatayo ng mga dam.  Samantala, nagpapatupad naman ng food blockade sa mga komunidad ng Dumagat sa Brgy. Calawis sa bayan ng Antipolo sa Rizal ang AFP. 

Matinding kalupitan ang dinaranas ng mga pambansang minorya sa rehiyon na hindi malayo sa nararanasan ng iba pang katutubo sa buong bansa.  Hindi na nga sila nahahatiran ng serbisyong panlipunan tulad ng libreng pabahay, edukasyon at kabuhayan, patuloy pang nilalapastangan ng 
estado ang kanilang karapatan at pinananatiling mangmang.  

Sa gitna ng ganitong kalagayan, nagbubuklod at inoorganisa ng mga pambansang minorya ang sarili upang labanan ang pangangamkam ng lupain, pagpasok ng mga dayuhan at malakihang pagmimina, plantasyon nang sa gayon ay maipaglaban ang kanilang karapatan sa lupaing ninuno at upang isulong ang kanilang kagalingan.  Itinatayo nila ang iba’t ibang ligal at lihim na organisasyon na magtatanggol at lalaban para sa kanilang karapatan sa lupang ninuno at sariling pagpapasya.  Sinusuportahan nila ang armadong pakikibakang isinusulong ng BHB at PKP sa kanayunan sa pamamagitan ng pag-aambag ng kanilang pinakamahuhusay na anak at kakayaning materyal na suportang tulad ng saging, kamote, at iba pang produkto ng kanilang mga kaingin. 

Marapat lamang na higit pang paigtingin ang pakikibaka ng mga pambansang minorya kakawing ng pakikibaka ng lahat ng inaaping uri at sektor laban sa iba’t ibang anyo ng pasistang atake ng rehimeng US-Duterte.  Kailangang higit pang pag-ibayuhin ang pagmumulat, pag- oorganisa at pagpapakilos sa kanila upang lumahok sa digmang bayan. 


-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com

Mga Balita | Kalatas | Setyembre 2017

Mga Balita | Kalatas | Setyembre 2017

Paggunita sa batas militar ng rehimeng US-Marcos, sinalubong ng malawakang protesta

Nakiisa ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan- ST at Southern Tagalog Movement Against Tyranny sa malawakang kilos-protesta sa paggunita sa ika-45 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang US-Marcos. 

Noong Setyembre 21, sinugod nila ang tanggapan ng Department of National Defense sa Camp Aguinaldo, Quezon City at ipinanawagan ang pagbasura sa batas militar sa Mindanao at pagtigil ng militarisasyon sa kanayunan.  Kinundena nila ang rehimeng Duterte dahil sa dumaraming mga kaso ng paglabag sa karapatang- tao bunsod ng pasistang panunupil sa mamamayan.  

Naglunsad din ng mga desentralisadong pagkilos tulad ng programa sa Taytay, Rizal, eksibit at film-showing sa Quezon, at porum at film-showing sa Mindoro. Tumungo sa España, Manila ang delegasyon ng TK at sumanib sa iba pang progresibong organisasyon bago nagmartsa patungong Luneta.  
Paggunita 

---

Dumagat Day, inilunsad sa Mt. Sierra Madre-TK

Matagumpay na ipinagdiwang ng mamamayan ng Bundok Sierra Madre-TK ang Araw ng mga Dumagat sa Sitio Idyang, Brgy. Umiray, Gen. Nakar Quezon mula noong ika-27 hanggang ika-29 ng Agosto, 2017.  Sa diwa ng pagkakaisa ng mamamayan at ng pambansang minorya, nabuo ang temang “Patatagin ang ating hanay para sa ibayong pagsusulong ng kilusang nagtataguyod sa karapatan at kagalingan ng mga Dumagat at mga Remontado sa partikular at taumbayan sa pangkalahatan.” 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nailunsad ang aktibidad nang hiwalay sa inilulunsad ng mga mapagkumpromisong grupo tulad ng Tribal Center for Development.  Humigit-kumulang sa 300 delegado ang dumalo at nakilahok kabilang na ang siyam na chapter ng BUKLOD mula sa kanilang mga lokalidad sa Rizal at Quezon.  Dinaluhan din ito ng mga kabataang-estudyante, taong simbahan at iba pang delegado mula sa sentrong bayan. 

Ang paggunita sa Araw ng mga Dumagat ay sumentro sa mga panawagang pagtatanggol sa kanilang lupaing ninuno at paglaban sa mga proyektong mapanira sa kalikasan at sa kultura ng mga katutubo. 

Tampok na usapin ang pagpapatupad ng mga mapanira sa kalikasan, maka-dayuhan at kontra-katutubo na mga proyekto tulad ng pagtatayo ng mga dambuhalang dam, hydropower at plantang pang-enerhiya, at mga proyektong agribisnes at eko-turismo, katulad ng engrandeng proyektong Pacific Coast City na sumasaklaw ng mahigit sa 80,000 ektaryang lupain, Dumagat Day, inilunsad sa Mt. Sierra Madre-TK Lakbayan ng pambansang minorya, matagumpay na inilunsad kabundukan at baybaying-dagat ng dambuhalang debeloper na Green Circle Properties na pagmamay- ari ni Atty. Romeo Roxas. Tampok sa tatlong araw na pagdiriwang ang mga aktibidad tulad ng cultural night, mga talakayan, palihan sa musika at pagpipinta, film-showings, community singing at medical mission.  Nagtapos ang aktibidad sa paglahok at pakikiisa ng kadumagatan sa Pambansang Lakbayan 2017 sa Maynila. 

---

Lakbayan ng pambansang minorya, matagumpay na inilunsad

Nakiisa ang mga katutubo mula sa Timog Katagalugan sa Pambansang Lakbayan ng Pambansang Minorya para sa Sariling Pagpapasya at Makatarungang Kapayapaan.  Lumuwas ang mga katutubong Dumagat mula sa Quezon at Rizal, Tagbanua at Palaw’an ng Palawan, Mangyan ng Mindoro at kanilang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang sektor. 

Kinundena nila ang batas militar sa Mindanao, all out war, Oplan Kapayapaan at pandarambong sa kanilang lupang ninuno sa pamamagitan ng malakihan at mapaminsalang pagmimina, mga proyekto sa enerhiya at mga plantasyon ng malalaking panginoong maylupa, lokal at dayuhang korporasyon. 

Noong Agosto 28, mainit na tinanggap ng mga estudyante, guro at mga personel ng UPLB ang mga delegasyong nagmula pa sa Mindanao.  Pinangunahan naman ng BAYAN-ST ang mainit na pagsalubong ng iba’t ibang sektor ng TK noong Agosto 29 sa Crossing Calamba. 

Tumungo sa Maynila ang mga delegado noong Setyembre 1 at naglunsad ng iba’t ibang aktibidad sa itinayong kampuhan sa UP Diliman.  Naglunsad sila ng kilos-protesta sa Camp Aguinaldo noong Setyembre 6 upang kundenahin ang pamamaslang sa mga katutubo at pag-okupa ng militar sa kanilang mga pamayanan at eskwelahan.  Nagprotesta din sila sa US Embassy noong Setyembre 14 upang ipanawagan ang pagpapalayas sa mga tropang Amerikano at pagpapatigil sa operasyon ng mga korporasyong dayuhan sa kanilang lupang ninuno.

---

Mga estudyante ng UPLB, naglunsad ng protesta 

Naglunsad ng indignation rally ang mga estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) na pinangunahan ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) noong Setyembre 23.  Ayon sa grupo, hindi katanggap-tanggap ang paglulunsad ng aktibidad ng One Social Family Credit Cooperative sa UPLB Freedom Park para dakilain ang isang diktador.  Dagdag nila, nilinlang ng mga organizer ang mamamayan sa pangakong ang lahat ng bumili ng pamphlet tungkol kay Ferdinand Marcos na nagkakahalaga ng 30 piso ay bibigyan ng tig-isang milyong piso na magmumula umano sa yaman ng pamilya Marcos.   

---

Balitang TO 

Sugatan ang tatlong opisyal ng Philippine Marines matapos silang tambangan ng isang yunit ng Bienvenido Vallever Command-BHB Palawan.  Noong Setyembre 30, tinambangan ng mga Pulang mandirigma ang convoy ng mga sundalong lulan ng isang M35 at elf service vehicle na dalawang kilometro pa lamang ang layo mula sa kanilang inalisang detatsment sa Brgy. Itabiak at papunta sana sa kanilang headquarters sa Brgy. Minara, Roxas.  Sugatan sina Corporal Melvin Villa at Christian Day Rentillo, at si Technical Sergeant Restituto Selvino ng Marine Battalion Landing Team.   

---

Paggunita sa Rebolusyong Oktubre ng 1917, nagpapatuloy 

Matapos ang launching na idinaos ng Melito Glor Command – BHB TK noong Agosto 24, nagpapatuloy ang serye ng mga aktibidad sa mga larangang gerilya sa TK para gunitain ang sentenaryo ng Dakilang Sosyalistang Rebolusyong Oktubre sa Rusya noong 1917. Kabilang dito ang kolektibong talakayan at pag- aaral ng mamamayan at Hukbo ng praymer hinggil sa Rebolusyong Oktubre na inilabas ng Kalatas; film showing ng mga pelikulang Ruso tulad ng Oktyabr, biograpi ni Lenin, Soviet Storm; at arawang trivia sa mga programang pambalitaan kaugnay sa buhay nina kasamang Lenin at Stalin, at sa kabuluhan ng Rebolusyong Oktubre.

---

Setyembre 1917: Ang bolshevisasyon ng mga Sobyet at bisperas ng Rebolusyong Oktubre

Lumalakas ang agos ng rebolusyon at nahihinog na ang mga pangunahing kondisyon para sa pag-aalsa.  Isang beses pang nagtangka ang mga Menshevik at burgesya para pigilan ang lumalakas na agos ng rebolusyon.  Setyembre 12, 1917, ipinatawag nila ang Demokratikong Kumperensya ng buong Rusya at nagtayo ng isang probisyunal na Konseho ng Republika na kilala bilang Pre- parliament.  Pero isa itong bigong pagtatangka sa panig ng mga bangkarote sa pulitika para paatrasin ang gulong ng rebolusyon. Binuhay ang mga Sobyet at binago ang komposisyon ng mga ito.  Nagdaos ng panibagong eleksyon ang mga pabrika, pagawaan at yunit-militar, at nagpadala ng mga kinatawan ng Partidong Bolshevik sa mga Sobyet kapalit ng mapagkumpromisong burgesya. 

*Ikaapat sa serye ng mga artikulo hinggil sa Dakilang Sosyalistang Rebolusyong Oktubre.
 
---

Mga organisasyon sa TK laban sa pasismo at panunupil, binuo 

Inilunsad ang launching ng Southern Tagalog Movement Against Tyranny (ST MAT) noong Setyembre 20 sa University of the Philippines- Los Baños. Dinaluhan ito ng mamamayan mula sa iba’t ibang sektor; taong-simbahan, abugado, mga propesor at estudyante mula sa UPLB, mga pamilya ng biktima ng pamamaslang, militarisasyon at iba pang paglabag sa karapatang pantao bunsod ng mga gera-kontra-mamamayang pakana ng rehimeng US- Duterte. 

Matapos ito’y naglunsad ng motorcade mula Los Baños tungong Sta. Rosa.  Nagprusisyon sila mula Dita hanggang Balibago, Sta. Rosa kung saan naman inilunsad ang isang candlelighting activity bilang pag-alala sa mga biktima.  

Panawagan ng ST MAT na labanan ang pasistang paghahari ng rehimeng US- Duterte at wakasan na ang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Bago ito, inilunsad naman ang convenors’ meeting ng Rise Up sa Cavite noong Setyembre 13 na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa simbahan at ng iba’t ibang sektor.  Panawagan ng Rise Up na wakasan na ang pamamaslang at itaguyod ang buhay at karapatan ng mamamayan. 

-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.
      st.kalatas@gmail.com
      balikwastk.wordpress.com

Si Duterte ang Kontra-Kapayapaan

Oktubre 4, 2017

Apolonio Mendoza Command

New People’s Army-Quezon
Reference Person: Ka Cleo del Mundo, Tagapagsalita

Si Duterte ang Kontra-Kapayapaan

Mariing pinapasubalian ng Apolonio Mendoza Command-NPA-Quezon ang sabi ng Malacañang na hindi sinsero ang rebolusyunaryong kilusan sa pagsusulong ng usapang kapayapaan dahil sa sunud-sunod na atakeng militar ng New People’s Army sa buong bansa.

Ang mga aksyong militar ng NPA ay sagot nito sa all-out war ng rehimeng US-Duterte laban sa rebolusyunaryong kilusan at mamamayan. Pagpapakita ito na may tunay na hukbo ang inaaping Pilipino na magtatanggol sa kanila laban sa pasismong inihahasik ni Duterte sa anyo ng gera kontra-droga, martial law sa Mindanao at Oplan “Kapayapaan” ng brutal na Armed Forces of the Philippines.

Katunayan, ang pasistang militar ni Duterte ang kontra-kapayapaan dahil noong Oktubre 2, sa kagustuhan ng AFP na pagtakpan ang kanilang pagkatalo matapos nilang mapaenkwentro sa isang yunit ng AMC-NPA, sinunog ng mga sundalo ang bahay ng magsasakang si Bryan Pañoso at binaril pa ang kanyang kabayo. Ilegal ring dinakip ang ina at kapatid na babae ni Bryan.

Ang nasabing labanan na nagsimula nang 12:30 ng tanghali at tumagal ng halos isang oras ay naganap sa Sityo Catmon, Barangay Ilayang Ilog A sa bayan ng Lopez.

Napaulat na hindi bababa sa dalawa ang patay na sundalo mula sa 85th IBPA bukod pa ang maraming sugatan sa naturang sagupaan, habang wala namang anumang pinsala sa panig ng mga NPA.

Kailangang pagbayaran ng AFP at ng rehimeng US-Duterte ang pinsalang idinulot nila sa pamilya Pañoso.

Makakaasa ang mga taga-lalawigan ng Quezon na ang kanilang Bagong Hukbong Bayan at ang buong rebolusyunaryong kilusan ay laging nakahanda na itaguyod ang usapang kapayapaan, ngunit hinding-hindi sa paraang ibig ng rehimeng US-Duterte na magkaroon muna ng ceasefire habang ang AFP-PNP-CAFGU ay parang mga asong bang-aw na walang pananagutan kung lumabag sa karapatang tao ng mamamayan.#