Mga Tampok na Balita

Fil-Am Friendship Day, sinalubong ng kilos-protesta

Sinalubong ng kilos-protesta ng mamamayan ng Timog Katagalugan ang paggunita sa tinaguriang Filipino- American Friendship Day.  Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan-ST at Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pagkilos sa Sta. Rosa, Laguna noong Hulyo 4. 

Kinundena nila ang patuloy na pangangayupapa ng reaksyunaryong gubyerno sa imperyalistang among US. Tinuligsa nila ang pagpapatuloy ng iba’t ibang mga tagibang na patakarang ipinataw ng imperyalismong US sa pamamagitan ng mga papet nito tulad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement, mga patakarang neoliberal sa ekonomiya at ang kasalukuyang batas militar sa Mindanao. 

Ayon kay Allan Bagas, tagapagsalita ng PAMANTIK-KMU, ang mga neoliberal na patakaran ng imperyalismong US ang dahilan ng malaganap na kontraktalisasyon sa bansa, kawalan ng tunay na reporma sa lupa at mahal na serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay at kalusugan. 
Tinuligsa naman ng BAYAN-ST ang kawalan pa rin ng saligang pagbabago sa bansa sa ilalim ng rehimeng Duterte.  Ayon kay Diane Chavez, tagapagsalita ng BAYAN-ST, tumindi ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan dahil sa mga ipinatutupad na patakaran at kampanya ng rehimeng Duterte, tampok sa mga ito ang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao, militarisasyon sa kanayunan at gera kontra-droga. 

---

Kampuhan ng mga magsasaka sa Quezon, matagumpay na itinayo 

Matagumpay na itinayo ang apat na kampuhan ng mga magsasaka at manggagawang-bukid sa iba’t ibang hacienda sa lalawigan ng Quezon noong Hulyo 2.  Kabilang dito ang Hacienda Uy at Matias sa mga bayan ng San Andres at San Francisco, at ang Hacienda Puyal at Lupang Gancayco sa bayan ng Catanauan. 

Pangunahing iginigiit ng masang magsasaka sa mga haciendang ito ang karapatan sa lupa na dekada na nilang binubungkal.  Biktima sila ng pagpapalayas sa lupain, di-pantay na hatian sa ani, paninira ng pananim, usura, panggigipit at pananakot ng mga bayarang goons at bantay ng panginoong maylupa at iba pang pyudal at malapyudal na pagsasamantala.  Bukod pa rito ang panlilinlang ng dilawang organisasyon tulad ng Kilusang Magbubukid sa Bondoc Peninsula (KMBP). 

Ani Marcus Banching, tagapagsalita ng Pangkalahatang Samahan ng Magsasakang Tenante sa San Francisco, Quezon (PSMT- SFQ), “Mahigit 30 taon nang nagbubugta at naninirahan ang mga lehitimong tenante sa loob ng Hacienda Matias.  Pasakit sa mga magsasaka ang CARP/CARPer o CLOA, gayundin ang mga huwad na samahan tulad ng KMBP.” 

---

Mga relocatees sa Santa Rosa Ville, nagprotesta 

Naglunsad ng kilos-protesta ang mga relocatees sa Santa Rosa Ville noong Hulyo 20.  Ipinapanawagan nila ang pagtugon sa kawalan ng maayos na serbisyo sa loob ng relocation site.  Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap-Southern Tagalog (KADAMAY-ST), tulad ng iba pang mga relocation sites, pangunahing suliranin ng mamamayan sa lugar ang substandard na mga materyales at pagkakagawa ng mga bahay, kawalan ng maayos na linya ng kuryente at ang kawalan ng hanapbuhay ng mga residente. 

---

People’s Summit, inilunsad sa unang taon ni Duterte 

Daan-daang mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagtipun-tipon sa Southern Tagalog People’s Summit sa Cabuyao, Laguna noong Hunyo 30, ang unang taon ng panunungkulan ni Rodrigo Duterte sa estado poder.  Sa naturang programa, ipinahayag ng mamamayan ang kanilang pagkadismaya dahil sa kawalan ng mga saligang pagbabago sa bansa.  Anila, bigo ang mamamayang makamtan ang pambansa-demokratikong pagbabago, bagkus ay nagpapatuloy pa rin ang kahirapan ng mamamayan.  Tampok sa panawagan nila ang pagwawakas ng batas militar, ang pagwawakas sa “endo” at ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa. 




-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s