Mga aktibidad bago ang SONA ni Duterte

Mga aktibidad bago ang SONA ni Duterte

Balita | Kalatas | Hulyo 2017

Inilunsad ng mamamayan ng TK ang Bigkisan para sa Pambansa-Demokratikong Pagbabago sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST).  Sa ilalim ng temang “Lakbayan para sa pambansang demokrasya, bigkisan laban sa pasismo ng estado!” nagmartsa ang mga sektor mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon upang ihatid ang kanilang mga panawagan sa ikalawang State of the Nation Address ni Duterte.  Itinampok ng mga lakbayani ang Pugita ng Lagim, ang effigy na nagsasalarawan sa imperyalismong US bilang isang pugita na mahigpit na hinahawakan ang bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mga galamay nito sa burukrasya.  

Nagsimula ang lakbayan noong Hulyo 20 sa Biñan, Laguna, kasabay ng State of the Region Address kung saan inilahad ang kalagayan ng mamamayan ng TK matapos ang unang taon ni Duterte sa estado poder.  Noong Hulyo 21 ay mainit na sinalubong ng mga taga-National Capital Region ang mga lakbayani mula TK.  Sinalubong naman ng lakbayan ang mga delegasyon mula pa sa Mindanao sa US Embassy noong Hulyo 22.  Subalit bago pa man makarating sa embahada ay mabilis na hinarang ng mga pulis ang mga nagpoprotesta. 

Noong Hulyo 23, tinungo ng lakbayan ang Department of National Defense sa EDSA kung saan ipinanawagan nilang wakasan na ang batas militar sa Mindanao at itigil ang walang habas na pambobomba at paglabag sa karapatang pantao na nagdulot ng pinsala sa buhay, kabuhayan at mga ari-arian ng mamamayan.  Sinunog nila ang mga litrato nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Council Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief-of-Staff Eduardo Año upang ipakita ang kanilang galit sa mga utak ng pagpapatupad ng batas militar at pagsabotahe sa usapang pangkapayapaan. 

Kinaumagahan, nakiisa ang lakbayan sa libu-libong mamamayang nagmartsa patungong Batasan upang ihayag ang tunay na kalagayan ng bayan at singilin ang rehimeng Duterte sa mga militarista at kontra- mamamayang patakarang ipinatupad nito laban sa mamamayan. 


-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s