Bantay Karapatan

Bantay Karapatan

Lider-magsasaka at progresibong elemento sa Quezon, pinaslang 

Pinaslang ng kaaway nito lamang Hulyo 30 si Edgar Tambien, isang empleyado ng munisipyo at caretaker ng sementeryo sa Brgy. Magisian, Lopez.  Si Tabien ay kilalang alyado ng progresibong organisasyon ng mga magsasaka sa Lopez na nagsusulong ng kanilang interes sa lupa.  

Samantala, noong Mayo ay pinaslang si Burgos Idaño sa Sityo Umagos, Brgy. Camflora sa bayan ng San Andres.  Si Idaño ay kasapi ng progresibong organisasyon ng masang magsasaka at kabilang sa namuno sa pakikibaka ng magsasaka at manggagawang-bukid para sa karapatan sa lupa sa pastuhan ng isang panginoong maylupa sa lugar. 

---

Bungkalan ng mga magsasaka sa TK, sinagot ng pandarahas 

Sapilitang pinalalayas ng mga elemento ng 731st Combat Group ng Philippine Air Force ang mga magsasaka sa Brgy. Coral ni Lopez sa Calaca, Batangas noong Hulyo 6.  Tugon ito sa pagbawi ng mga magsasaka sa 70 ektaryang sakahang inagaw sa kanila ng panginoong maylupang si Louis Lopez sa ilalim ng dating rehimeng US-Aquino. 

Noong Hulyo 3, marahas na binuwag ng mga pribadong goons ni Federico Campos III ang kampuhan ng mga magsasaka at mangingisda ng Sityo Balakbakan, Brgy. Laiya Aplaya sa San Juan, Batangas.  Tinamaan ang dalawang myembro ng Haligi ng Batangenyong Anakdagat nang paputukan ang itinayo nilang kampuhan.  

Pinasok ng mga tauhan ni Campos ang kampuhan at itinapon ang pagkain ng mga magsasaka.  
Mula pa noong 2014 ay sapilitang pinalalayas ni Campos ang may 600 magsasaka at mangingisda sa Balakbakan upang gawing resort ang kanilang lugar. 

Sa Quezon, iligal na inaresto ng mga pulis si Roldan Tayactac, isang tenante sa Hacienda Uy sa kanyang bahay sa Brgy. Camflora, San Andres noong Hulyo 4.  Inakusahan siyang magnanakaw ng niyog sa sariling niyugang inaalagaan niya.  

Pinakawalan din si Tayactac dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya laban sa kanya.  Sa kasalukuyan, patuloy na ginigipit si Tayactac at iba pang mga magsasakang nakikibaka para sa kanilang karapatan sa lupa sa Hacienda Uy. 

Dinahas naman ng mga armadong tauhan ng panginoong maylupa ang mga magsasaka ng Hacienda Puyal sa Brgy. Pacabit, Catanauan, Quezon.  

Sapilitan silang pinalalayas sa kanilang mga sakahan sa pamamagitan ng pagbabawal sa kanilang magtanim, mag-ani ng kanilang mga pananim at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. 
Samantala, sapilitan ding pinalayas ng 100 pulis at gwardya ang mga nagkakampuhang magsasaka sa lupaing inaagaw ng pamilyang Almeda sa Brgy. 9 Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro noong Hunyo 26.  

Giniba ng mga pulis at mga gwardya ang 20 kubo ng mga magsasaka at katutubong naghawan at nagtanim sa limang ektaryang lupang nararapat na sa kanila. 

---

Solidarity mission, ginipit ng militar 

Ginipit at hinaras ng mga elemento ng Philippine Air Force at mga pribadong gwardya ang mga delegado ng Solidarity Mission sa Talibayog, Calatagan, Batangas.  

Layunin ng aktibidad na mag- imbestiga at isadokumento ang nagpapatuloy na mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mamamayang lumalaban sa pagmimina ng limestone ng Asturias Mining Corp sa 2,000 ektaryang lupain.  

Noong Hunyo 3, pinaslang ng hindi kilalang mga lalaki ang lider ng komunidad na si Lito Casalla. Progresibong doktor, pinaslang sa Cavite Pinaslang ng mga ahente ng reaksyunaryong gubyerno si Dr. George R. Repique, Jr, Provincial Health Officer ng Cavite at kasapi ng Health Alliance for Democracy.  Binaril siya sa labas ng General Emilio Aguinaldo Medical Hospital noong Hulyo 11.  Si Repique ay aktibo sa pakikibaka para sa mas mahusay at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan. 

---

Mga kasapi ng SABARA, patuloy na dinarahas 

Hinaras ng mga pulis ang mga kasapi ng SABARA-KADAMAY noong Hunyo 14.  Nagpaikot- ikot ang mga pulis sakay ng mga motorsiklo sa barikada ng SABARA sa Southville 5A, Biñan, Laguna at kinakuhanan ng larawan ang mga lider at kasapi nito. Nilalabanan ng SABARA-KADAMAY ang 
nakaambang pagpapalayas sa mga residente ng Southville 5A na hindi papasa sa hindi makatwirang screening ng National Housing Authority at lokal na pamahalaan ng Biñan, Laguna.  

Bago ito, nagpalabas ng tindig ang National Anti-Povery Commission na dapat nang ibigay sa kasalukuyang residente ng Southville 5A ang kanilang mga tinitirhang bahay.  




-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s