Balitang TO

Balitang TO

Balita | Kalatas | Hulyo 2017

Serye ng mga aksyong militar sa Laguna, matagumpay 

Binigwasan ng mga Pulang mandirigma sa ilalim ng Cesar Batralo Command-BHB Laguna ang berdugong 80th IBPA.  Noong Hulyo 25, ganap na alas-5:30 ng umaga, hinaras ng isang yunit ng CBC ang kaaway.  Dalawa ang patay habang sugatan ang tatlo sa hanay ng sundalo. 

Ligtas namang nakaatras ang Pulang hukbo nang walang kaswalti. 

Kinagabihan, pinasabugan naman ng BHB ang mga elemento ng Regional Public Safety Battalion (RPSB)-4A sa Brgy. Mahipon, Cavinti.  Isa ang napatay na pulis.  

Bago ito, hinaras ng isa pang yunit ng CBC ang mga elemento ng RPSB sa Brgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna noong Hulyo 20, ganap na alas-10:30 ng gabi kung saan isang pulis ang sugatan. 
Samantala, hinaras naman ng mga Pulang mandirigma ang ditatsment ng CAFGU sa Brgy. Piit, Majayjay noong Hulyo 23.  Ang mga elemento ng CAFGU at 80th IBPA ay nagsisilbing upahang security guard ng isang pribadong negosyo para supilin ang pakikibaka ng mamamayan sa lugar. 

4th Marine Battalion Landing Team, binigwasan ng BHB Palawan 

Isang elemento ng 4th MBLT ang patay sa operasyong isnayp ng isang yunit ng Bienvenido Vallever Command noong Hulyo 20 sa Bataraza, Palawan.  

Bago ito, pinasabugan naman ng isa pang yunit ng BVC ang isang M35 military truck ng 4th MBLT sa Bono-bono Village sa pareho ring bayan noong Hulyo 18.  Isa ang patay at isa pa ang sugatang elemento ng Philippine Marines. 

Noong Hulyo 19, napaslang ang dalawang opisyal ng Philippine Marines sa isang aksyong militar ng Pulang hukbo sa Brgy. Magara sa bayan ng Roxas.  Kinilala ang mga napaslang bilang sina Sgt. Joene Galiste at Sgt. James Melchor Porol.  

Mas maaga pa rito, noong Hulyo 10 ay naglunsad ng operasyong isnayp ang mga elemento ng BVC laban sa 4th MBLT sa bayan ng Brooke’s Point. Ang 4th MBLT ng Philippine Marines ay walang-humpay na naglulunsad ng operasyong militar sa mga bayan ng Brooke’s Point at Bataraza na nagdudulot ng dislokasyon at takot sa mga katutubong Palaw’n.

Operasyong isnayp sa Mindoro 

Inisnayp ng mga Pulang mandirigma ang mga elemento ng 4th IBPA sa Brgy. Morente, Bulalacao, Oriental Mindoro.  Ang pasistang 4th IBPA ang naglunsad ng walang habas na aerial bombing at strafing sa Bulalacao noong Marso 30 matapos ang labanan sa pagitan ng BHB at militar. 

Sa gitna ng tumitinding mga pag-atake sa balangkas ng Oplan Kapayapaan at todo-gerang kampanya laban sa rebolusyonaryong kilusan, matagumpay na nakapaglunsad ng mga kontra-opensiba at aksyong pamamarusa ang mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyong Timog Katagalugan bilang salubong na putok sa ikalawang SONA ni Duterte.

Mga aksyong militar, matagumpay na inilunsad ng BHB Quezon 

Sa mismong araw ng SONA ni Duterte, matagumpay na inisnayp ng mga elemento ng Rosario Lodronio Rosal-Mt. Sierra Madre Command ang isang yunit ng berdugong 76th IBPA sa Mauban, Quezon.  

Isang korporal ang napatay sa operasyon. Samantala, pinarusahan ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezon noong Hulyo 15 ang RTY Construction Company sa Brgy. Tan-ag Ibaba, sa bayan ng Lopez.  

Sinunog ng mga Pulang mandirigma ang isang Hitachi pay loader, dalawang Isuzu mini dump truck, isang Isuzu truck concrete mixer, isang Isuzu elf truck, dalawang Robin generator sets, tatlong Robin plate compactor sets, tatlong Robin mixer engine, at isang Robin concrete cutter. Sa parehong araw, pinasabugan naman ng isa pang yunit sa ilalim ng AMC ang isang M35 military truck ng Philippine Air Force na minamaneho ng isang A1C Ojer Landicho sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Hagakhakin, Gumaca, Quezon. 


-----

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo.  Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Patnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

st.kalatas@gmail.com
balikwastk.wordpress.com
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s