Pagbati ng MGC sa aksyong pamamarusa ng NPA-Palawan

June 21, 2017

Press Statement

 

Reference Person: Jaime “Ka Diego” Padilla, Tagapagsalita,

Melito Glor Command, New People’s Army – Southern Tagalog

 

 

Pagbati ng MGC sa aksyong pamamarusa ng NPA-Palawan

 

Binabati ng Melito Glor Command-NPA SouthernTagalog ang matagumpay na pamamarusa ng isang yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa Newington Construction Company, isang construction company sa Palawan, noong Hunyo 19 sa pagitan ng 10:00 at 10:30 ng gabi kung saan sinunog ang 9 na kagamitan sa konstruksyon na kinabibilangan ng apat na dump trucks,  tatlong backhoe, isang grader at isang pison.

 

Isinagawa ang aksyong pamamarusa bilang tugon sa hiling ng mamamayan dahil sa pinsalanag idinudulot ng quarrying operations ng Newington sa mga ilog ng Palawan. Sinisira nito ang natural na kagandanan ng kapaligiran sa pakikipagsabwatan sa mga bulok at kurap na lokal na upisyal ng gubyerno mula sa antas probinsyal hanggang antas munisipalidad.

 

Ang isinagawang pamamarusa ay bahagi ng pagtitiyak ng rebolusyonaryong kilusan sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran. Hindi mapahihintulutan ng NPA na lapastangin ng mga mapaminsalang kumpanya sa kontruksyon at pagmimina ang natitirang pamana ng kalikasan sa mamamayang Palaweño, sa buong Timog Katagalugan at sa buong bansa.

 

Manantiling tagapagtanggol at tagapangalaga ng kalikasan at kapaligiran ang NPA sa ilalim ng Melito Glor Command upang mapakinabangan ng mamamayan ang mga biyaya ng ating kalikasan. Kasama ang malawak na masa ng Timog Katagalugan, makakamit natin ang isang malinis na kapaligiran, mapayapa at masaganang buhay.###

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s